Angelika umalma sa chikang buntis si Mika kaya nagpakasal agad kay Nash

Angelika umalma sa chikang buntis si Mika kaya nagpakasal agad kay Nash

Nash Aguas, Mika dela Cruz at Angelika dela Cruz

KASABAY ng pagpapakasal nina Mika dela Cruz at Nash Aguas ay ang pagkalat ng chika na buntis na raw ang dating child actress.

May mga netizens ang nagkomento na baka raw totoong pregnant na si Mika kaya nagdesisyon na sila ng kanyang long-time boyfriend na magpakasal na.

Naganap ang wedding ng young celebrity couple sa Adriano’s Events Place and Prayer Garden, sa Tagaytay City, last Saturday, May 18.

Baka Bet Mo: Angelika naiyak sa kasal nina Mika at Nash sa Tagaytay: I love you both!

Maraming nagulat na fans sa pagpapakasal nina Nash at Mika dahil wala man lang silang inilabas na announcement at hindi rin aware ang madlang pipol na engaged na sila.


At dito nga nagsimulang kumalat ang espekulasyon ng mga netizens na baka nga nagdadalang-tao si Mika sa first baby nila ni Nash.

May isang Facebook page pa nga ang nagkumpirmang buntis na raw ang Kapuso actress at “double blessing” ang ipinagdiwang nina Mika at Nash — ang kanilang kasal at ang pagkakaroon ng anak.

Nag-post pa ang naturang FB page ng litrato nina Mika at Nash na kuha sa reception ng kanilang wedding. Dito makikita na sinasapo ng bride ang kanyang tummy na akala mo’y buntis.

Baka Bet Mo: Tanong ng mga Marites kay Mika dela Cruz: Buntis yarn?

Ang nakalagay na caption sa post ay, “And we are having a baby….?? Double blessings para kina Nash Aguas & Mika Dela Cruz! Nakakaexcite ang bagong milestone na ito!”

Kasunod nito ang pagdedenay naman ng ate ni Mika na si Angelika dela Cruz sa kumakalat na chikang buntis na ang kanyang kapatid kaya agad na nagpakasal kay Nash Aguas.


Sa pamamagitan din ng Facebook nilinaw ni Angelika ang tsismis. Ni-repost ni Angelika ang FB page na nagpapakalat ng fake news.

Mensahe ni Angelika, “My sister is not pregnant po please make sure na totoo bago po kayo mag post Salamat.

“How I wish totoo…Mika Dela Cruz pls baby girl ah Wala Pa tayo babae sa family,” aniya pa.

Nauna rito, nabalita ang pagiging emosyonal ni Angelika nang masaksihan ang kasal nina Mika at Nash.

Sa isang video na napanood namin, kitang-kita ang pag-iyak at pagpapahid ni Angelika ng kanyang luha habang naglalakad patungong altar ang kanyang kapatid.

Sa nasabi ring video mapapanood ang maluha-luhang groom nang sa wakas ay makita na niya ang pinakahihintay na bride. Nang bumungad na sa harapan niya ang mapapangasawa at ang lahat ng kanilang bisita ay napaiyak na rin si Mika.

Read more...