NAPANOOD namin ang pilot week ng “High Street“, ang sequel ng hit Kapamilya suspense-drama na “Senior High” starring Andrea Brillantes.
Isa sa mga bago at misteryosong karakter na ipinakilala sa unang linggo pa lang ng serye ay si Victoria “Tori” Soler, na ginagampanan ni Dimples Romana.
Hindi pa kasi malinaw kung kakampi ba o kalaban si Dimples na siyang nagbigay ng trabaho kay Tania, played by Angel Aquino na siyang nanay naman ni Andrea sa kuwento bilang si Sky.
Ayon kay Dimples, medyo kinarir daw niya ang paghahanda sa kanyang role na may psychological factor na involved bukod pa sa physical aspect sa ipinagkatiwa sa kanyang karakter.
Baka Bet Mo: Julia binatikos dahil sa ‘street food’ challenge: Ganda sana kaya lang…
“The preparation is really more psychological kasi parang this time you want to attack it in a way that is mas textured,” pahayag ng aktres sa panayam ng ABS-CBN.
“At the end of the day, dahil pamilyado akong tao, meron akong ipinapalit sa oras na yun and very precious sa akin yung time ko with my family,” mariing sabi ni Dimples.
Sey pa niya, sa bawat proyektong tinatanggap niya, palagi niyang iniisip ang kanyang asawa at mga anak, lalo na ang panganay niyang si Cali.
“When I think of High Street, I think of Cal, and she’s not here, what would she appreciate? What kind of work ang magagawa ko na magiging proud yung anak kong ginawa ko ‘tong trabaho na ‘to?” katwiran ng Kapamilya star.
Tungkol sa physical preparation para sa role niya as Victoria sa “High Street”, “Ako siguro yung preparation lang namin ni Direk Onat (Diaz) at Direk Lino (Cayetano) mas conversation about how to pace the character.”
Baka Bet Mo: Andrea manhid na sa mga bashers: Hindi ako nagpapakain sa social media
Pero sey ng aktres, kailangang makipagsabayan siya sa galing ng lahat ng cast members, “Kasi kilala ang Senior High for dropping bombs here and there and now and tomorrow.
“Now for my character it has to mean something at some point and dapat yung hindi ko pa nagagawa dati,” sey ni Dimples.
Hindi naman masyadong nagpapaapekto si Dimples sa pressure dahil nga napakatindi ng naging impact ng “Senior High” sa manonood at malaki ang expectation ng lahat sa “High Street.”
“Alam ko kasi na kapag Dreamscape ang gumagawa sure na sure na sureball na yan,” pagmamalaki ng aktres.
“And I think we don’t operate on pressure anymore, it’s more inspiration,” dugtong ni Dimples Romana.