Ex-cop, driver abswelto sa kaso ng pagkidnap kay Catherine Camilon

Ex-cop, driver abswelto sa kaso ng pagkidnap kay Catherine Camilon

Catherine Camilon

DISMISSED ang mga kasong isinampa laban sa mga suspek sa pagkawala ng teacher at beauty pageant contestant na si Catherine Camilon.

Nitong nagdaang May 15, ibinasura ng Regional Prosecutor’s Office sa Batangas City ang kidnapping at serious illegal detention case laban kay dating Police Major Allan de Castro at sa kanyang driver-bodyguard na si Jeffrey Magpantay “due to insufficient evidence.”

Ikinagulat naman ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at ng mga opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang naging desisyon ng korte sa nasabing kaso.

Baka Bet Mo: Catherine Camilon buhay pa ilang araw matapos ideklarang ‘missing person’, pangako ng PNP: ‘We’ll bring her home safe’

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na hindi raw sapat ang ebidensiyang isinumite sa korte hinggil sa kaso.

“Ang sinasabi po du’n sa resolution yung mga ipinresentang enough ebidensya failed to prove na nagkaroon ng conspiracy within and among respondents (Allan) de Castro and (Jeffrey) Magpantay, at dalawa pang di pa napapangalanang akusado,” sabi ng opisyal ng PNP.


Aniya, ang mga litrato kung saan makikitang naghahalikan ang dating police officer at ang nawawalang beauty queen, ay hindi sapat na ebidensya para mapatunayan na kinidnap ng mga suspek ang biktima.

“Kung matatandaan n’yo na may lumutang na two witness noong gabi ng October 12 na huling nagkaroon ng communication si Ms. Catherine sa kanyang pamilya at malapit na kaibigan.

“At ang sinasabi po nitong witnesses na may tatlo po silang lalaki na nakita na inililipat ang duguang babae mula sa isang Bissan gray Duke na na-establish naman natin ginagamit at pag-aari ni Ms. Catherine Camilon na inililipat sa red Honda CRV na kalaunan ay narekober din po.

“Nakalagay po doon na hindi na-establish na itong si Ginoong De Castro at Magpantay ay associates po, hindi po napatunayan o hindi nakapagpresta ng ebidensya na makakapag-link po kay Mr. Magpantay kay De castro maging doon sa dalawang hindi pa pinangalanang suspek na nakita po na naglilipat ng alllegedly na lifeless body ni Ms. Camilon noong October 12.

Baka Bet Mo: Catherine Camilon buhay pa ilang araw matapos ideklarang ‘missing person’, pangako ng PNP: ‘We’ll bring her home safe’

“Ang konsepto po kasi ay dalawa o mahigit pa sa dalawang tao po ay nag agree na mag-commit sila ng krimen at nagdesisyon po sila na mag-commit sila ng krimen, doon po umiikot ang conspiracy theory po,” esplika pa ng  spokesperson ng PNP.

Kinuwestiyon ni Assistant Regional Prosecutor Rogelio Radoc, Jr. ang pag-acquire ng mga litrato “only after the eye witnesses Michael and Jomar pointed to Allan and Jeffrey as the suspects.

“Throughout the record of the instant case, it can be deduced that nothing was mentioned about the personal circumstances of Magpantay.


“How he became a person of interest, how did they acquire the photograph of Magpantay at the time Michael and Jomar executed their respective affidavits,” aniya.

Dismayado naman si PCol. Jacinto Malinao Jr., ang Regional Chief ng Crime Investigation and Detection Unit Region 4A, sa naging resulta ng first proceeding.

Sa episode ng radio program nina Ted Failon at DJ Chacha na in-upload sa  YouTube nitong nagdaang May 17, sinabi ng opisyal na, “To be honest sir, we were very frustrated na.

“I’m very frustrated, kasi based du’n sa evidence na na-gather namin, solid naman po.

“Specifically kay Magpantay, to be honest, that he was positively identified by the two witnesses, as the one who supervises the transfer of the lifeless body of Catherine.

“Ang hindi lang nabigyan siguro ng, with due respect du’n sa investigating fiscal sir, hindi lang siguro nabigyan ng probative value yung identification at the same time, and other evidence po na prinesent namin,” paliwanag niya.

Sa kabila ng nangyari, umaasa pa rin ang PNP na makakamit ng pamilya ni Catherine ang hustisya, “We want justice for everybody.

“Kung ikaw nagkamali, harapin mo. Be man enough to suffer the consequence. Ganun lang yan sa buhay. Kung ikaw nagkamali, be brave enough to face the consequence.

“Rest assured manong Ted, we take this case personally. Lalung-lalo na yung investigating team ko, it is a legal battle. That’s the beauty of yung legal battle.

“Di naman yan katapusan at marami pong interpretation sa batas. So, that’s the beauty of legal procedure natin dito sa bansa natin,” pahayag ng opisyal.

Samantala, natanggap na rin ni Rose Camilon, nanay ni Catherine, ang resolution ng prosecutor’s office nitong nagdaang Miyerkules.

“Hindi po ako nawawalan ng pag-asa. At hindi pa naman daw ho dito natatapos ito,” ang sabi naman ni Rose sa TeleRadyo Serbisyo.

Noong October 12, 2023 napaulat ang pagkawala ni Catherine na sumali sa Miss Grand Philippines 2023 kung saan naging ka-batch niya si Herlene Budol. Mula noon ay hindi pa rin natatagpuan ang dalaga.

Read more...