Shaina Magdayao nagpaka-‘fangirl’ kay Meryl Streep: ‘You’re my hero!’

Shaina Magdayao nagpaka-‘fangirl’ kay Meryl Streep: 'You’re my hero!'

PHOTO: Instagram/@shaina_magdayao

KILIG na kilig ang aktres na si Shaina Magdayao sa kanyang iniidolong Hollywood actress na si Meryl Streep.

Nakita niya kasi ito sa personal nang dumalo siya sa 2024 Cannes Film Festival sa France kamakailan lang.

Sa Instagram Stories, idinetalye ni Shaina kung paano siya nagkaroon ng pagkakataon na maging audience sa naganap na talk ni Meryl sa international festival.

“Right after the premiere, I changed into flats and ran in my dress to make it to Meryl Streep’s talk. Priority si mama Meryl,” saad niya, kalakip ang isang video na makikitang nagmamadali siya.

Baka Bet Mo: Shaina Magdayao binalikan ang panahong hinahanap ang tunay na purpose sa buhay: ‘Akala ko magmamadre na lang ako’

PHOTO: Instagram Story/@shaina_magdayao

Sa sumunod na post, masayang ibinandera ng aktres na nakaabot siya sa forum ng kanyang idol.

“You are my hero. What a beautiful and extraordinarily talented human being,” caption niya habang ipinapakita naman ang kanyang picture na tila abot tenga ang ngiti habang nasa stage si Meryl.

PHOTO: Instagram Story/@shaina_magdayao

Para sa mga hindi pa knows, nandoon si Shaina para sa Cannes Director’s Fortnight kung saan tampok ang pinagbibidahan niyang short film na “Walay Balay” kasama ang Hollywood breakout star na si Ruby Ruiz. 

Maliban sa dalawa, present din sa prestihyosong film fest sina Kylie Verzosa, Sylvia Sanchez, Jericho Rosales, Xian Lim, at marami pang iba.

Samantala, kaya naman nandoon si Meryl ay dahil ginawaran siya ng isang honorary “Palme d’Or,” ang pinakamataas na karangalan ng festival, na nangyari sa opening night ceremony noong May 14.

Ang Cannes Film Festival ay on going hanggang sa May 25.

Read more...