Anne Curtis, Joshua Garcia, Carlo Aquino bibida sa ‘It’s Okay Not To Be Okay’

THE long wait is over dahil tuloy na tuloy na ang Filipino adaptation ng Korean series na “It’s Okay Not To Be Okay” at pagbibidahan ito nina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino.

Sa ginanap na press conference nitong Biyernes, May 17, opisyal nang inanunsyo ng Star Creatives at ABS-CBN ang mga bibida sa naturang adaptation.

Si Anne ang gaganap bilang si Emilia “Mia” Hernandez, ang lead female star na counterpart ng karakter ni Seo Ye Ji na si Ko Moon Young sa Korean version.

Si Joshua naman ang gaganap bilang si Patrick “Patpat” Gonzales, ang lead male star na counterpart ng karakter ni Kim Soo Hyun na si Moon Gae Tae at magiging kapareha ng “It’s Showtime” host.

Baka Bet Mo: #SanaAll: Anne Curtis na-meet sina Jake, Sunghoon ng ENHYPEN

Samantala, si Carlo Aquino naman ang gaganap bilang si Matthew “Matmat” Gonzales, ang counterpart ng karakter ni Oh Jung Se na si Moon Sang Tae at ang magiging kapatid ni Joshua.

Samantala, ito ang magsisilbing comeback project ni Anne sa pag-arte makalipas ng sampung taon.

Ayon sa aktres, worth it naman daw ang kanyang pagbabalik telebisyon sa proyektong ipinagkaloob sa kanya ng Kapamilya network.

“It’s definitely worth it. Alam mo yun, siguro hindi naman ako mag-a-accept ng isang project if I didn’t feel it was worth leaving my family for a little bit to shoot,” pagbabahagi ni Anne.

Pagpapatuloy pa niya, “So, when they offered this to me, it was an instant yes because I love the original and I couldn’t let it pass.”

Matatandaang ang huling teleserye ni Anne ay noon pang 2014 nang bumida siya sa “Dyesebel” ni Mars Ravelo.

Read more...