Mystica binanatan si Diwata, inokray ang paresan

Mystica binanatan si Diwata, inokray ang paresan

SINITA ng dating komedyana at singer na si Mystica ukol sa kanyang naging obserbasyon sa sikat na paresan ni Diwata.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ng singer ang kanyang naging obserbasyon nang kay Diwata at sa famous kainan nito.

Chika ni Mystica, nandidiri raw siya sa paresan dahil madumi raw ito at nilalangaw pa.

Bukod pa rito, pinuna rin niya ang umano’y pagbabago ng ugali ni Diwata ngayon at noong hindi pa ito nakikilala ng mga tao.

Baka Bet Mo: Mystica nagluluksa muli sa pagpanaw ng nag-iisang anak matapos mamatayan ng apo: ‘Sobrang sakit!’

“Yung itsura ni Diwata ngayon nandidiri na sa mga taong gustong magpa-picture sa kanya, kitang-kita na ‘yan sa videos online,” saad ni Mystica.

Pagpapatuloy pa niya, “Iba ang trato niya sa mga bumibili ng pares niya na talagang sumusuporta sa kanya pero pag siya ang bibigyan ng blessing todo asikaso siya buong araw.”

Marahil ang sinasabi ni Mystica ay ang mga recent gifts na natatanggap ni Diwata gaya na lang ang pagbibigay ng house and lot ni Rosmar sa kanya kamakailan.

Hirit pa ng dating aktres, balewala na rin daw ang effort ng mga tao na pumili dahil sa pagbabogo ni Diwata.

“Alam ko, napansin n’yo rin na balewala na ‘yung mga taong pumila at kumakain sa paresan niya, ang bilis niyang nagbago, papaano pa hahanga ang tao sa kanya kung ganoon siya? Akala mo kung sino na siya na hindi na maabot!” giit pa ni Mystica.

Matatandaang may nga kumakalat rin na video sa social media kung saan makikitang marami siyang tinatanggihang tao na naos magpa-picture sa kanya.

Sinabihan pa niya si Diwata na asikasuhin ang “dugyot” niyang tindahan.

“Unahin mo ang sanitation at kalinisan ng mga kumakain sa iyo, ‘yun ang dapat inaasikaso mo, hindi ang mangbara ng mga taong ikaw naman talaga ang pinunta, hindi ang pares mo,” giit ni Mystica.

“Hindi niya alam na ito ang magpapabagsak sa kanyang nilalangaw at dugyot na ugali, dugyot na katawan at pagmumukha at dugyot na paresan!” sabi pa nito.

Read more...