Mosang tinulungan ni Judy Ann sa kanyang lowest point

Mosang tinulungan ni Judy Ann sa kanyang lowest point

IBINAHAGI ng komedyanteng si Maria Alilia Bagio o mas kilala bilang si Mosang ang pangyayari sa kanyang buhay kung saan tinulungan siya ni Judy Ann Santos.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli noong May 11, naikuwento niya ang mga ponagdaanan sa kanyang buhay.

“Ang dami kong pinagdaanan na hirap because hindi naman kami mayaman. Namatay ang magulang ko na sa totoo lang, humingi ako ng tulong sa mga kaibigan sa showbiz para mailabas ng ospital, para maipalibing ko,” pagbabahagi ni Mosang.

Nangyari daw ang mga insidenteng ito noong siya ay single mother.

Baka Bet Mo: ‘Pepito Manaloto’ star Mosang kumikita na ng P100k kada buwan sa naipundar na karinderya, sinuwerte sa ‘budbod’

“That was the time na single mother ako. Nakipaghiwalay ako. Nagkasakit ‘yong nanay ko. Almost wala akong career. Those were the lowest point of my life na hindi ako artista. Nag-opisina ako. No’ng nabuntis ako nilunok ko ‘yong pride ko na mag-opisina,” pagpapatuloy ni Mosang.

Dumating rin siya sa puntong nagkasakit ang kanyang ina at wala siyang maipambayad sa ospital.

“Tapos dumating ako sa time na nagkasakit ‘yong nanay ko. Wala akong pambayad ng ospital. So, isang kaibigang artista ang nilapitan ko […] Si Juday. She’s always been there for me even after pandemic. I’m so blessed of with good friends,” pagbabalik tanaw ni Mosang.

Kaya naman daw labis ang pasasalamat niya sa aktres at hindi talaga niya makakalimutan ang kabutihan nito sa kanya.

Isa rin daw si Huday sa mga artistang hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya kahit hindi sila madalas na magkita.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Judy Ann at Mosang noong magkatrabaho sila sa “Esperanza”.

Read more...