Mosang di papayag na maapi, sinapak ang ama ng anak
PAWISAN ang komedyanteng si Mosang habang kausap namin pagkatapos niyang um-attend sa workshop on self-defense sponsored by B.R.A.V.E. (Bolder Reaction Against Violence to Empower Women).
“Joining BRAVE women will help me to inform everyone na out there kung damaged ka man or nasa isang punto ka ng buhay mo na alam mo na ina-abuse ka, maraming ways, or maraming taong pwedeng tumulong sa ‘yo para matulungan ka nila na ma-uplift ang buhay mo,” pahayag ni Mosang.
Sa totoong buhay daw merong mayayamang babae or strong women na hindi nila alam na inaabuso na sila verbally, physically and amotionally. Aminado si Mosang na inabuso rin siya ng dating ka-partner sa buhay.
“Emotionally, yes. Physical? Hindi nila ako kaya. Charot! Hahaha!” Kahit daw sa trabaho, karamihan ng mga komedyante ay inaabuso rin, verbally. “As a comedienne, tatawanan mo ‘yan kasi that’s your responsibility on stage. Meron akong nakitang artistang komedyante nagmura, so, siya ang nakakahiya. Public property ka, e. But when you’re alone, how will you deal with that,” aniya pa.
Ang mga paboritong natutunan daw niya sa workshop ay ang hand-grabbing at choking. Bagaman never pa raw siyang na-grab or na-choke in the past. “Ako ‘yung nanuntok. Ano talaga ako, e, guerera ako. Laking-Tondo ako, e. Sinapak ko? ‘Yung ex ko, ‘yung tatay ng anak ko. Ganito lang kasi ako makipag-usap, malumanay. So, akala niya ‘yung pagiging malumanay ko, eto, ‘Halika.’ Sinuntok ko,” kwento niya.
Edad 28 na ang solong anak ni Mosang at nag-aaral ng kursong Computer Science. Hindi lang sa workshop para sa self-defense ang nagustuhan ni Mosang. Nais na rin daw niyang maging aktibo sa mga activities ng BRAVE. Masyado raw siyang “nahipo” ng cause and purpose ng grupo kaya nais din niya na makapagbahagi ng tulong in her own little way as a person and as an artist.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.