IN FAIRNESS, maituturing na talagang certified celebrity ang tinaguriang “Pares Diva” na si Diwata dahil sa tinatamasa niyang kasikatan ngayon.
Bukod nga sa sikat na sikat niyang paresan na dinudumog ng daan-daang tao araw-araw ay artista na rin siya dahil napapanood nga siya gabi-gabi sa “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.
Baka Bet Mo: Sagot ni Diwata sa vlog ni Ogie: Kung hindi gusto, huwag nang bumalik!
Marami ring mga vlogger na nagpupunta sa kanyang pares business para gawin siyang content na milyun-milyon ang nakukuhang views sa YouTube.
Kamakailan naman ay si Diwata ang pinakilig ng isang vlogger dahil nagkaroon siya ng chance na makausap ang aktor na si Marvin Agustin.
Sa pamamagitan ng video call, nakachikahan nga ng social media personality si Marvin Agustin na mapapanood sa YouTube channel ng isang nagngangalang “SALOMO21.”
Base sa naturang videocall, makikita si Diwata na masayang nakikipag-usap kay Marvin. Aliw na aliw ang aktor sa mga hirit sa kanta ng Pares Diva.
Tanong nga ni Diwata kay Marvin, ano raw ba ag pag-uusapan nila sakaling bisitahin siya nito sa kanyang pares business.
“Ano pong pag-uusapan natin? Sayang, pagkakataon ko na sana maka-kissing scene ka!” ang hirit ni Diwata. Nagtawanan at kinilig naman ang mga taong nagpapa-picture sa kanya.
Baka Bet Mo: Kathryn super successful na sa edad 25; planong b-day celebration ‘di natupad, pero…
Bigla namang naputol ang chikahan ng dalawa dahil mahina raw ang signal sa lugar na kinaroroonan ni Diwata.
Kasunod nito, nabanggit din ni Diwata na baka hindi na niya mapagbigyan ang mga nag-aaplay sa kanya para maging empleyado sa pag-aari niyang paresan.
Sey ni Diwata, bagamat gustung-gusto niyang mabigyan ng trabaho ang mga ito ay na wala raw kasi siyang maipapasuweldo.
Marami na rin daw kasi ang kanyang staff sa paresan kaya halos pinagkakasya lamang niya ang kinikita sa mga pangangailangan niya sa negosyo.