Kris sa resulta ng huling check-up: There’s a problem with my heart…

Kris sa resulta ng huling check-up: There's a problem with my heart...

Kris Aquino

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin ngayong araw dito sa BANDERA tungkol sa mga bagong update sa buhay ni Kris Aquino sa Amerika.

Binanggit niya sa mag-asawang si dating Bise Presidente ng Pilipinas na si Jejomar Binay at Dra. Elenita Binay na ex-mayor ng Makati City na muli siyang nagpakonsulta sa cardiologist sa Los Angeles, California.

Aniya, “Hello to Lolo VP and to Lola Doc. It’s been a ‘test of courage’ type of weekend- I had a consultation w/ a 4th doctor in UCLA, this time a cardiologist.”

Sa nasabing post ay walang binanggit na resulta si Kris dahil ang nasabing mendasa ay para iyon sa Mother’s Day at birthday greetings niya para sa trusted friend niyang si Ms. Anne Binay.

Baka Bet Mo: ‘Huwag po masyadong mag-alala ang mga nagmamahal kay Kris…masarap at masaya pa rin siyang kausap’

Anyway, may post naman si Dindo Balares, ang confidant ni Kris, tungkol sa naging pag-uusap nila tungkol sa latest check-up niya.


Una munang nagsabi ang mama nina Joshua at Bimby na nagpapasalamat siya sa lahat ng nanalangin para sa agaran niyang paggaling.

Sabi niya kay Dindo, “Can you please thank everyone praying for me?”

Sunod na kuwento, “Biglang change gear na sabi ni Kris Aquino habang pinag-uusapan namin kanina ang findings ng kanyang cardiologist.

“There’s a problem with my heart, Kuya Dindo – genetics. Very high cholesterol and triglycerides that at this point can’t be treated because I am underweight (91 lbs),” unang balita niya.

“Biniro ko siya, ‘Palit tayo ng heart.’

Baka Bet Mo: Diego shookt sa gastos para sa 1st birthday ng anak: Higit pa sa debut!

“Kung minsan, ganito kaming dalawa. ‘Pag seryoso ang isa, pinagagaan naman ng isa pa ang usapan.”

Sabi pa raw ni Kris sa kanya, “My BP (blood pressure) is misbehaving – I am normally 145/122 with heartrate of 110-130. It’s the diastolic & heart rate na scary.”

“Lokong BP ‘yan, mana sa ating dalawa,” sabi naman ni Dindo na dating entertainment editor.


“Aakalain siyempre ng iba na sutil at hindi ako matinong kausap, pero sa ganitong way kami mas mabilis magkaintindihan,” aniya.

At saka nagbalik-tanaw ang dating patnugot, “Backgrounder: Amused o napapabungisngis kami ni Krisy ‘pag may common friend o kakilala kami na sinasabihan siyang pasaway daw ako, matigas ang ulo ko o misbehaving ako. Kasi ang punchline niya: ‘That’s why magkasundo kami.’

“At biglang lipat nga siya ng topic.”

“Kuya Dindo let’s focus on this. My autoimmune is finally responding to the methotrexate (my chemotherapy). Finally! And the good air quality in Newport Coast,” positibong balita niya.

“Can you please thank everyone praying for me?” dagdag niya.

“’Sure, siyempre!’ sagot ko. At nag-double check kung puwede ko itong ilabas,” aniya.

Pagbabahagi pa ni Kris,“Magaling talaga the combination of medicine I’m being given. It’s just that after the Methotrexate & Dupixent, I am super bagsak for four days. UCLA (University of California, Los Angeles) is very impressive.

“We don’t have Dupixent at home,” sabi pa ng TV host at aktres.

Patuloy ni Dindo, “God’s grace na pinapunta ka Niya d’yan, Krisy.”

“Matagal pa our reunion,” sabi uli ni Kris.

“I can always wait,” sagot ni Dindo.

“I miss my sisters so much,” sabi ni Kris.

“Alam natin pareho na ganoon din sila sa iyo,” sagot naman ng dating editor.

“Time for my meds. Yes, Kuya Dindo please thank everyone praying,” pamamaalam ni Kris.

“At muli siyang naglambing ng patuloy na panalangin para sa kanyang kalusugan.

“Muli, maraming-maraming salamat po sa prayers, pagmamahal at malasakit para kay Krisy,” ang mensahe pa ni Dindo Balares.

Read more...