Denise madalas pagkamalang si Deniece Cornejo: ‘Wrong sent kayo since 2014’

Denise madalas pagkamalang si Deniece Cornejo: 'Wrong sent kayo since 2014'

Denise Laurel, Deniece Cornejo

“NAKALAYA na po kayo?,” “Bati na po ba kayo ni Kuya Vhong?,” “Andito pa si Deniece nagti-TikTok!”

Ilan lamang ‘yan sa mga na-wrong sent sa aktres na si Denise Laurel sa loob ng mahabang panahon dahil madalas siyang pinagkakamalang si Deniece Cornejo.

Magugunita na si Cornejo ang modelong kasalukuyang nakakulong sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City matapos mahatulang “guilty” sa serious illegal detention for ransom na isinampa ng TV host-actor na si Vhong Navarro.

At heto na nga, mukhang hindi na makatiis si Denise at nagbigay-linaw na siya kaugnay sa “mistaken identity.”

Sa Instagram, ibinandera ng aktres ang ilang mga komento mula sa netizens at ibinunyag na sa loob ng sampung taon ay marami ang nag-aakala na siya ang modelong nakulong.

Baka Bet Mo: Denise Laurel gustong palakihin ang anak nang walang yaya, mas tiwala sa pag-aalaga ng sariling pamilya

“A [little] PSA I’m not mad, just tired [smiling face with tear, melting face emojis],” caption niya sa post.

Paglilinaw niya, “‘Cause it’s DeniSe. with an Sssss.. the oG yung L yung start ng apelyido.. just let me be DeniSseeeeeee..[peace sign emoji]”

“I Serve you years of talent not foodz,” wika pa niya.

Naikwento rin niya na hindi raw talaga nawawala ang mga pagbibintang sa kanya pagdating sa mga kontrobersiya ni Cornejo sa tuwing magpo-post siya sa socmed.

Sey niya, “‘Di lumalagpas kahit anong live or post may hirit haha I got no issues since birth. Enough’s enough [laughing emoji].”

“I’ve been a good sport since 2014 [crying, laughing, melting face emojis] Wrong send po kayo since 2014 [woozy, upside-down face emojis],” ani pa ni Denise.

Sa comment section, marami ang natawa at nagbigay ng suporta sa aktres.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Ito ‘yung DENISE na ‘di toxic, classy and witty. Tigil kayooooo mga accla! [laughing emoji]”

“This has been going on since 2014! Kaya nga naka-uppercase yung ‘S’ mo sa name mo dito eh!”

“Barking up the wrong tree [laughing emojis]”

“Layo naman ng beauty nitong Denise dun sa isa [laughing emojis] at spelling ng name hahahaha! NIECE yun eh.”

“Laki naman ng ganda ng aming DeniSe with an S. Not to mention pa pagiging witty and smart. Kaya stop na the obviously intentional mistaken identity. Hindi niyo mapipikon ang isang DeniSe Laurel [winking emoji]”

“Hahahaha why naman dinamay ka na mima [laughing emoji].”

Read more...