Dianne muling nag-react sa ‘pool’ issue: Bilang nanay, lalaban talaga ako!

Dianne muling nag-react sa ‘pool’ issue: Bilang nanay, lalaban talaga ako!

PHOTO: Instagram/@dianna_medina

TILA hindi pa rin matapos-tapos ang isyu kaugnay sa paglalagay ng mini pool sa loob ng bahay ng mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz.

Kaya naman sa huling pagkakataon, muling nagsalita si Dianne upang ipagtanggol ang kanyang anak na si Joaquin na tinitira na rin ng bashers at haters sa social media.

Magugunitang tinalakan ng maraming netizens ang mag-asawa matapos nilang sundin ang anak na maglagay ng mini pool sa loob ng bahay dahil mainit sa labas.

“Nag-worry ako kasi ang dami na sa mga news about heatstroke, even babies namamatay. So as a mom, takot na takot talaga ako,” sey ng actress-anchor sa naging interview ng “Brunch” kamakailan lang.

Aminado rin si Dianne na nalulungkot siya sa nangyari, “They judge you and they based their opinions on just one posted video because they don’t know us personally and they don’t even know my son personally.”

Baka Bet Mo: Dianne may ‘inflatables’ naman sa bahay, Rodjun sa haters: Kala mo perfect!

“May mga nagsasabi pa na ‘patola’ daw or nagko-comment back ako. Yes, I would do that because it involves my son already, because they were all parang bashing Joaquin na,” patuloy niya.

Wika pa ng aktres, “So parang pag anak ko na ang involved, iba na ‘yan. Siyempre, bilang nanay lalaban talaga ako. Pero kung ako lang ang titirahin or si Daddy Rodjun, it’s okay.”

Kasunod niyan, ipinaliwanag niya na may iba’t-ibang klase naman ang parenting o pagpapalaki sa anak.

Ang pinili raw nila ng mister ay ‘yung gentle parenting o “freedom with limits and boundaries.”

“Sa society, may lumalabas na ganyan na hindi mo naman kailangang sigawan ang anak mo when you’re trying to discipline your child. Iba-iba kasing attack ‘yan…whatever works for you,” chika ni Dianne.

Saad pa niya, “And kami ni Daddy Rodjun, we talked about it –kasi minsan lang maging bata ‘yung anak namin and we want talaga to give the best for Joaquin and ma-enjoy niya [‘yung] something na mapupunta sa core memory niya, maaalala niya pag laki niya kasi hindi na siya babalik sa ganyang age.”

“Ano naman ‘yung pinagbigyan mo ng isang beses? Hindi naman ‘yun pag-spoil sa anak mo. As long as you know your limits and boundaries,” paglilinaw pa ng celebrity mom.

Sa huli ng panayam, nagpaabot ng mensahe si Dianne para sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

“To all the mamas out there, to all the pregnant moms also like me, know that you’re doing a great job,” sambit niya.

Patuloy ng aktres, “You are a woman contributing not just, you know, on the continuation of life, but we are here to help shape the future of this world by being good parents and role models to our children.”

“So it will start on how you take good care of yourselves, emotionally and physically. Kaya ang pinaka main message sa ating mommies, to always please prioritize your health and always have ‘me’ time because it’s really important and you know, just slow down, continue and be a good one,” ani pa niya.

Read more...