NAG-ENJOY ang mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla sa unang pagbisita nila sa pedia para sa check-up ng kanilang second baby na si Raya Layla.
Isinilang ng Kapuso actress ang ikalawang anak last April 28 at makalipas ang mahigit isang linggo, bumisita agad sila sa pediatrician para sa first check-up ni Baby Raya.
Sa kanyang Instagram account, sunud-sunod ang naging post ni Yasmien tungkol sa mga kaganapan sa buhay nilang mag-ina kasama siyempre si Daddy Rey.
Baka Bet Mo: Sofia maraming natutunan sa pagganap na mermaid sa ‘Raya Sirena’: Basta huwag kayong susuko dahil laging may pag-asa
Makikita sa isang IG post ng Kapuso star ang mga litrato nila ng anak habang nasa loob ng isang arcade-themed clinic. Aniya sa caption, “FIRST PEDIA VISIT at 9 days old. di na ako nakapag update after delivery. busy pala pag may new born.
“Pumunta kami ng pedia yesterday masaya si Pedia sa weight ni Raya… usually kasi bumababa ang weight ng newborn, pero kay Raya pabigat at pahaba talaga siya…
“Nasa 89% daw siya ng mahahaba na babies according to WHO child growth standard graph. hihi,” sey pa ni Yas sa kanyang post.
Masaya ring ibinalita ni Yas na super healthy si Baby Raya, “Kinilig ako. (kasi di ako masyado pinagpala sa height kaya sana sa mga anak ko nalang mapunta yung height na gusto ko) Sagana si Raya sa breastfeeding… lakas dumede.”
Dagdag pang chika ng aktres, “Enjoying every moment, si Daddy Rey din nageenjoy. Nag aagawan pa nga kami kung sino mag aalaga.
Baka Bet Mo: Badjao Girl Rita Gaviola walang breast cancer: Hindi na ako magwo-worry, matututukan ko na ang baby ko
“Naiinggit yata siya kasi ako nakapagpapadede siya hindi hahaha lol. love you! #PediaDay #RayaLayla,” hirit ni Yasmien.
Samantala, sa isang video naman na ibinahagi ng aktres mapapanood ang mister niyang si Rey kung saan nanalo ito ng stuffed toy nang maglaro sa isang claw machine sa loob ng clinic.
“Isa sa mga talents ni @rey_soldevilla ay ang makakuha ng items from the #ClawMachine. Ang cool ng dating niya na lagi niya ako napapanalo ng #stuffedtoy noong mga bagets pa kami. lol!
“Pati pag nasa #Japan kami nila @ayeshazarasoldevilla fave ni AZ na palaruin siya niyan.
“Kaya habang nasa #PediaClinic kami pinalaro ko muna siya … nakakuha siya ng 1st stuffed toy ni @rayalayla24. Good job Daddy! #kidsatheart #clawmachinemaster,” pagbabahagi pa ni Yasmien.
Matatandaang noong April 29, ikinuwento ng aktres ang kanyang birthing experience, kung saan nabanggit niya na nanganak siya through Cesarean section.
“After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala ang CS scar ko even after 11 years – not a good indication. Di na namin itinuloy because of many high-risk possible scenarios.
“We also found out during the procedure that the baby had a cord coil. It actually was a good call that we opted CS because if we tried VBAC we would have ended up doing CS still,” sey pa niya.
Ikinasal sina Yasmien at Rey noong January, 2012. Pagsapit ng November, 2012 isinilang na ang panganay nilang si Ayesha Zara.