Claudine excited nang gumanap na diwata, sasabak na rin sa pagdidirek

Claudine excited nang gumanap na diwata, sasabak na rin sa pagdidirek

Claudine Barretto

WISHING and hoping si Claudine Barreto at ang buong production ng pelikulang “Sinag” na makapasok sila sa Metro Manila Film Festival 2024.

Perfect kasi ang naturang movie sa taunang filmfest dahil bukod sa napakaganda ng tema ay pambata at pampamilya ang kabuuang kuwento nito.

Gaganap na diwata sa “Sinag” si Claudine, na ididirek ni Elaine Crisostomo. Pero may mga twists and turns sa istorya na siguradong ikagugulat at ikatutuwa ng manonood.

Baka Bet Mo: Diwata naiyak, niregaluhan ni Rosmar ng bagong bahay at P5-M

Kuwento ni Direk Elaine, “Yung pagkadiwata ng movie is very classical. Talagang super research kami sa project na ito. May mga bidang artista pa ang inaayos namin. Hopefully maayos na namin. Hopefully Claudine, Gretchen and Marjorie (Barretto). For sure blockbuster ‘yun!”


Dugtong pa niya, “Noong nabasa ko ang synopsis, masasabi ko na ibang-iba ito. Isang karangalan na mai-direct si Claudine. Alam kong magiging blockbuster rin ito.”

Mahigit dalawang dekada nang kakilala ni Direk Elaine si Claudine na nakilala niya sa pamamagitan ng yumaong boyfriend nito noon na si Rico Yan.

“After last month nagkatsikahan uli kami ni Claudine then the next day, nagkita agad kami. I have the original script of Sinag at nabanggit ko iyon kay Claudine. Dapat cameo lang siya. Kasi alam ko na very picky si Claudine,hindi siya gumagawa ng pelikula na cameo lang siya.

Baka Bet Mo: Diwata arestado sa kasong slight physical injuries, nagpiyansa ng P3K

“Sabi ko hear my story first. Nalaman niya women empowerment, LGBTQ equality, nandoon lahat-lahat. Ayun napapayag siya. Then after four days sinabi niya sa akin na gusto niyang siya magbida sa ‘Sinag.’

“At until 7 a.m. ginagawa namin ang synopsis at sinaklawan niya agad ang pelikula. Sabi niya ‘ganito gawin natin, ito kunin nating artista,’” sabi ni Direk.

Bukod sa pagiging artista, magiging assistant director din si Claudine sa movie, “Ito bale ang magiging directorial debut niya. Ayaw pa niya eh, iniri-release ko na.


“Napansin ko rin na very meticulous sa lahat kaya roon ko siya nagustuhan. Hindi lang pala siya artista na walang pakialam sa script. Talagang makikialam siya to the smallest details,” sey pa ng direktor.

Challenging ang role ni Clau sa movie, “From the past na diwata siya na mapupunta siya sa future. Magkakaanak siya rito, may ganoong mga eksena at wala siyang leading man. Kumbaga rito ipakikita ni Claudine ‘yung mga bagay na hindi pa niya naipakikita sa ibang pelikula o serye na nagawa niya.”

Patuloy ni Direk, “Noong nalaman ko nga kung sino-sino ‘yung mga artistang kinausap ni Claudine (para mag-guest appearance), nanginginig talaga ako.

“Isipin n’yo na lang kung sino-sino iyong mga nakatrabaho niya before. Mayroon isang papable!” aniya pa na ang feeling namin ay si Piolo Pascual.

“Mahirap ang fantasy and hopefully matapos namin before the submission of entry sa Metro Manila Film Festival. Target talaga namin ang MMFF kasi pambata at sana ma-rate kami ng MTRCB na general patronage, hopefully,” sey pa ni Direk.

Read more...