Buboy, Angillyn nag-reunion kasama ang 2 anak: No hate, dapat love lang!

Buboy, Angillyn nag-reunion kasama ang 2 anak: No hate, dapat love lang!

Buboy Villar at Angillyn Gorens

KUNG ang ibang celebrities ay hindi kering maging friends sa kanilang mga ex-dyowa, kabaligtaran naman ang pananaw diyan ni Buboy Villar.

In fairness, kahit matagal na silang nagkanya-kanya ng landas, napanatili pa rin ni Buboy at ng kanyang dating partner na si Angillyn Gorens ang maayos nilang relasyon bilang magulang ng kanilang mga anak.

Pinatunayan ng dating magdyowa na  puwede talagang maging magkaibigan ang dating magkarelasyon, lalo pa’t meron silang mga anak na kailangang isaalang-alang.

Baka Bet Mo: Buboy Villar maayos ang relasyon sa ex-partner: ‘Nagsi-save ako para sa future ng mga anak ko, kayod nang kayod hangga’t kaya’

Nitong nagdaang Marso, nag-reunion sina Buboy at Angillyn ilang taon makalipas silang maghiwalay (2020). Sa Amerika na ngayon naninirahan at nagtatrabaho si Angillyn.

Nasa pangangalaga naman ni Buboy ang dalawa nilang anak na sina Karollyn at George Michael.


Ayon kay Buboy, talagang napagkasunduan nila ni Angillyn na magkita-kita kung may chance. Kaya naman nang makabalik si Angillyn sa Pilipinas last March ay nag-get together nga sila kasama ang dalawa nilang anak, at ilang kaibigan.

“Bilang nanay siya ng mga anak ko, tatay ako ng mga anak namin, so napagkasunduan namin na no hate to each other. Dapat love lang,” sey ng Kapuso actor at TV host sa panayam ng GMA.

“Lalo na sa panahon ngayon, ‘no? Ang init-init na nga ng panahon, bibigyan pa ba natin ng negative vibes? Wala lang po ‘yun, ano po ‘yun, parang bonding with the kids lang talaga siya,” sabi pa ng Kapuso comedian.

Baka Bet Mo: Buboy nagtatrabaho, nagsasakripisyo para sa mga anak na nasa US: Iba pa rin yung naaamoy at nayayakap mo sila

Tuwang-tuwa raw siya dahil nakita niyang super happy ang mga anak nang muling makasama ang kanilang nanay.

“So sinulit lang namin ‘yung time talaga with the kids. Kasi siyempre hindi naman niya nakikita talaga ‘yung mga anak namin kasi naka-base siya sa US.


“Talagang ‘yung mga ganoong moment, ‘di na dapat pinagdadamot pa,” chika pa ni Buboy.

Marami naman ang kinilig sa muling pagkikita nina Buboy at Angillyn, at may mga nagsabi pang sana’y magkabalikan sila dahil mukhang pareho naman silang single pa rin.

Reaksyon ni Buboy, “Well, masaya talagang kiligin. Masaya talaga ang feeling ng in love talaga pero salamat sa pag-intindi.”

Matatandaang nag-propose si Buboy kay Angillynn taong 2016 pero noong 2020 nga ay kinumpirma nilang hiwalay na sila at hindi na matutuloy ang kasal.

Nagsimula na kahapon, May 11, ang Season 2 ng “Running Man Philippines” kung saan nagbabalik nga si Buboy bilang isa sa mga Pinoy Runners.

Read more...