Zeinab Harake nag-sorry sa ‘laro’ comment sa video ni Vice Ganda

Zeinab Harake nag-sorry sa 'laro' comment sa video ni Vice Ganda

HUMINGI ng tawad ang social media personality na si Zeinab Harake ukol sa naging komento niya sa viral “Piliin Mo Ang Pilipinas” video ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Sa pamamagitan ng isang Instagram story ay humingi siya ng tawad sa mga taong na-offend sa iniwan niyang komento sa Instagram post ng “It’s Showtime” host.

Ang sinasabing komento ni Zeinab ay ang “Larooooooo hahaha love you” na siyang nagpataas at nagpainit ng ulo ng mga netizens.

Hindi naman daw kasi “laro” ang mensaheng nais ipabatid ni Vice sa kanyang video kundi para buksan ang diskusyon tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa na dapat ay bigyang pansin.

Baka Bet Mo: Vice Ganda: Kahit ang hirap mong ipaglaban, pipiliin pa rin kita Pilipinas

Sey ni Zeinab, “Sa mga na offend ko sa comment ko kay Meme Vice, I am really sorry na amaze lang talaga ako ng sobra sa pagiging witty niya sa pag gawa ng content dahil napasok niya ang social issues in which we all should be aware of.”

Aniya, mahal raw niya si Vice ay susuportahan niya ito “no matter what”.

“Nagkausap na din kami ni Meme Vice about this. Let’s all support Meme Vice and let’s continue to use our platform for better purposes and to uplift one another and our country,” pagpapatuloy pa ni Zeinab.

Isang X (dating Twitter) user ang nag-share ng kanyang Instagram story at sinabing hindi ito na-offend sa comment ng vlogger bagkus ay nabob*han raw siya rito.

Narito pa ang ilang hirit ng netizens laban kay Zeinab.

“Walang naoffend @ZeinabHarake11 di mo lang tlaga nagets yun lang,” saad ng isang netizen.”

Comment pa ng isa, “Kelan pa nya gnamit ang platform nya for greater purpose. Mga vlog nya puro prank at drama kaysa gngamit for awareness sa mga social issues. Trabaho rin konti zeinab ndi puro papansin.”

“Kung nakakabili lang ng common sense,binilhan ko na itong si Zeinab.l,” sey pa ng isa.

Samantala, wala pa namang pahayag si Vice ukol sa pangyayari.

Read more...