IKINASAL ang 80-anyos na si Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas sa kanyang 32-anyos na nobyang si Atty. Angelica Chua.
Nitong Miyerkules, May 8, naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Minor Basilica and Parish of the Immaculate Concepcion sa Batangas City.
Ilam sa mga kilalang personalidad na present sa kasal nina Gov. Mandanas at Atty. Chua ay sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon sa naging panayam ng ANS-CBN News kina Gov. Madanas at Atty. Chua, matagal na silang magkakilala.
Baka Bet Mo: Claudine hindi muna magjojowa: Until ma-annul ang kasal namin ni Raymart
Kuwento ni Atty. Chua, nagtatrabaho ang kanyang ina bilang head ng Provincial Legal Office sa ilalim ni Gov. Mandanas.
“Magkakilala kami before pa. 7th birthday ko he was there. 25 years later, kinasal kami. So in 2022, nagkaroon ng chance na mayroon akong kailangang i-clarify sa kanya about a legal matter. Kailangan ko siyang kausapin. And then from there, we had a chance to talk,” kuwento ng abogado.
Noong una raw ay it was pure professional lang pero nitong February 2024 ay nagbiruan sila at nagkayayaan noong Valentines.
“Siguro nag-take lang siya ng chance. And then from there, we started dating,” pagpapatuloy pa niya.
Aware naman daw si Atty. Chua sa maaaring maging paningin ng tao sa kanilang relasyon dahil na rin sa pagkakalayo ng kanilang edad na ikinunsulta rin niya sa mga taong malalapit sa kanya.
“It wasn’t an issue. He was everything I was looking for. Kung age lang ang pag-uusapan, bakit ko naman papalampason ‘yung opportunity na magkaroon ng someone na mamahalin ako at mamahalin ko or parang ito ang ideal person ko except the age gap… Kung ‘yun lang, napakababaw naman natin,” sey pa ng abogado.
Para naman kay Gov. Mandanas, “Love is something you cannot define. It is something you cannot set limit, that is true love, of course. It is not define by the beauty of a person, the age of the person… It was fate.”