Raffy Tulfo walang balak tumakbo sa pagkapresidente sa 2028

Raffy Tulfo walang balak tumakbo sa pagkapresidente sa 2028

WALA raw plano si Senator Raffy Tulfo na tumakbo sa pagkapangulo sa darating na 2028 national elections.

Sa kanyang panayam sa sa “Headstart” sa ANC nitong Huwebes, May 9, sinabi niya na nae-enjoy niya ngayon ang kanyang trabaho bilang senador.

“Wala sa utak ko ang pagtakbo as president sa 2028. Naka-focus ako ngayon sa Senado. I’m enjoying being a senator. I’m enjoying that much being a senator,” saad ni Sen. Raffy.

Matatandaang kamakaialn ay nanguna sa mga survey ang senador para sa 2028 presidential preference ng mga Pilipino.

Baka Bet Mo: Maegan Aguilar muling bumanat kay Raffy Tulfo: ‘Sa ’yo na pera mo, I don’t need your help! I don’t need rehab!’

Dahil rito ay marami na ang naglalabasang mga paninira laban kay Sen. Raffy.

Bukod sa wala itong balak ay aminado siyang sakit sa ulo ang tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas.

“Isa pa, sakit sa ulo lang ‘yan. Sa ngayon pa nga, ang dami ko nang sakit sa ulo. Left and right, marami nang nagagalit sa akin because of all these surveys. ‘Yung mga fake news, bina-bash ako, etc.,” lahad pa ni Sen. Raffy.

Dagdag pa niya, “Kung halimbawa meron akong 10% sakit sa ulo dahil may mga taong ayaw akong patakbuhin o galit sa akin o naiinggit, etc., so much more siguro baka ‘yung 10% maging 110% na ‘yung mga taong sisira sa akin.”

Mas gusto pa rin daw ni Sen. Raffy ang maging senador at kung tatakbo man siya ay pagiging senador muli ang kanyang kukunin

“I’m enjoying being a senator. I’d like being a senator. Sa 2028, re-election at the most ang pwedeng gagawin ko,” sey niya.

Read more...