Cristy Fermin sa mga cyber libel case: Sino po kaya ang susunod?

Cristy Fermin sa mga cyber libel case: Sino po kaya ang susunod?

NAGLABAS ng saloobin ang beteranong showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa isinampang kaso ng cyber libel laban sa kanya ng mag-asawang sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.

Para sa mga hindi aware, nitong Biyernes, May 10, dumulog sa Makati Prosecutor’s Office ang mag-asawa para isumite ang kanilang sworn affidavit kaugnay sa cyber libel case laban sa kolumnista.

Naghayag nga ng kanyang saloobin si Nanay Cristy sa kabyang radio program na “Cristy Ferminute”.

Sabi ng kolumnista, sana raw ay huwag magalit ang kanyang mga tagasuporta sa mag-asawang Sharon at Kiko sa kabila ng paghahain nito ng kaso laban sa kanya.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta sa kaso laban kay Cristy Fermin: There’s so much unfairness

Ani Cristy, “Huwag kayong magalit kay Sharon Cuneta. Kanina, ang dami kong nababasa. Galit na galit kay Megastar at kay dating Senador Kiko Pangilinan.

“Wala pa po tayong hawak na impormasyon. Malalaman natin yan kapag nabasa na po namin ng aming abogado. ‘Yun lamang po yon, tanggalin po natin sa ating isip yung galit, yung hatred. Kasama po talaga yan sa laban.”

Giit pa niya, ang mahalaga ay alam niya ang katotohanan.

Bagamat idinaan niya sa biro, tila may laman ang naging pahayag niya tungkol sa sunud-sunod na demandang kanyang natatanggap.

“Pero ang ano, ha, pataas nang pataas ang level. Tumataas ang level ng mga demandahan—from Sarah Lahbati to Bea Alonzo, Sharon Cuneta na ang kasunod. Sino po kaya ang susunod, si Julia Roberts na?” hirit ni Cristy.

Sa kabila raw nito ay naiintindihan raw niya kung saan nanggagaling ang mga personalidad na nagsampa ng kaso laban sa kanya pero nagtatrabaho lang naman daw siya.

“Basta naiintindihan natin ito. Yan po ay kasama sa ating trabaho bilang mamamahayag. Sabi ko nga sa mga anak ko, ‘Mahiya kayo kapag ako ay idinemanda sa pagnanakaw. Mahiya kayo kapag ako’y idinemanda’t kinasuhan tungkol sa trafficking.

“Kapag ako ay nagbugaw at kung anu-ano pa. Yun ang dapat nating ikahiya.’ Pero yung ganito, cyber libel, libel cases, kasama po ito sa teritoryo ng pagiging mamamahayag natin. At nauunawaan po natin kung saan sila nanggagaling at nagmumula. Kung paano dapat din nilang unawain kung ano ang aming trabaho. Yun lang po yon, you don’t shoot the messenger,” mahabang sey ni Cristy.

Read more...