TILA nagpakilig sa fans ang Thai duo na Purplecat kasama ang Pinoy siblings duo na Ysanygo sa bagong hugot song.
Ito ang “Sunny When I’m With You” na ibinabandera ang kakaibang magic at liwanag na hatid ng isang taong inlove.
“This is a love song written from a place of honesty and confidence,” sey ng Purplecat sa isang press release.
Wika pa, “It expresses the feelings of falling in love with someone at first sight and relishing in the excitement of spending time together with the person you’re pining for.”
Baka Bet Mo: Thai duo Scrubb first time bibisita sa Pinas, excited ma-meet ang Pinoy fans
When it comes naman sa paggawa ng kanta, sinabi ng Ysanygo na sila ang nakaisip ng melody para sa chorus at nag-produce din ng mismong kanta, habang ang Purplecat ang nagsulat ng lyrics nito
“We’re really grateful to Ysanygo for being open-minded throughout the entire process. We love their work so much that we don’t want to change anything, except for a few parts,” pagpuri ng Thai duo.
Ang “Sunny When I’m With You” ang kauna-unahang international collaboration ng Purplecat.
Ito rin ang simula ng pagsabak nila sa global music scene, partikular na sa Southeast Asia.
Ang R&B duo ay binubuo ng vocalist na si Mon Napasin Chaisri at ang rapper na si Palm Pholrutt Sirirutt.
Ang siblings duo naman ay sina Ysabel at Yñigo Ferraz.
Ang bagong single ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide.