PATULOY ang pagiging solid Kapuso ng batikang aktor na si Dingdong Dantes matapos mag-renew ng kontrata kamakailan lang.
Naganap ang contract signing event noong Huwebes, May 9, na dinaluhan ng ilang GMA executives kabilang na sina Felipe L. Gozon, Gilberto Duavit Jr., Felipe Yalong, Lilybeth Rasonable at Annette Gozon-Valdes.
Lubos ang pasasalamat ni Dingdong dahil bukod sa naging tahanan niya ang nasabing network sa mahigit dalawang dekada, ito rin ang nagbigay ng platform sa kanya upang ibandera ang kanyang mga talento at mga bagay na kanyang gusto.
“After reflecting on the things that happened sa aking buhay, [ang] isa talaga sa pinaka-memorable na tumatatak sa akin ngayon ay ‘yung unang-unang beses na sumampa ako sa entablado. ‘Yun ay nung nag-uumpisa ako bilang dancer dito sa GMA [which was] around 1996, 1997,” kwento ng award-winning actor.
Pag-alala niya, “Hindi ko siya makakalimutan dahil syempre at 16, 17 years old, hindi ko pa alam kung ano talaga ‘yung gusto kong gawin sa buhay; hindi pa klaro kung ano ‘yung gusto kong maging career, profession.”
Baka Bet Mo: Kris nang matapos ang kontrata sa GMA: ‘Sige, kahit babaan n’yo na ang TF ko, kahit magkano lang po’
“Pagkatapos no’n nagkaroon ng iba’t ibang opportunities, nagbukas ang iba pang pinto sa television, nagbukas ang iba pang pinto sa movies, nagbukas ang iba pang pinto sa pagiging isang family man, ang dami pong mga pintuan at chapters na nagbukas,” chika pa ng aktor.
Ayon pa kay Dingdong, sa lahat ng journey niya sa buhay ay laging nandyan ang GMA upang gabayan at suportahan siya.
“Dahil sa GMA, naging klaro kung ano ang pangarap ko sa buhay, at ito po ‘yon,” sambit niya.
Patuloy niya, “Nandito po ako sa harapan niyo, fulfilling that dream every day, and now I have the opportunity and a new chapter to fulfill these dreams again.”
“I keep on mentioning that this is a new chapter kasi more than ever, [this] becomes more meaningful for me because I’m no longer just doing this for myself but also for my family,” wika pa niya.
Mensahe pa ni Dingdong, “And we thank our family here in GMA because truly, ang GMA po ay ang aming tahanan.”