PAGASA: Uulan sa ilang parte ng bansa, lalo na sa Batanes at Cagayan

PAGASA: Uulan sa ilang parte ng bansa, lalo na sa Batanes at Cagayan

INQUIRER file photo

MATAPOS ang ilang buwang pagtitiis sa matinding init, makakaranas na rin ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong May 10, asahan ang generally fair weather sa maraming lugar dahil sa epekto ng easterlies.

Samantala, magiging makulimlim at mararanasan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Cagayan na dulot naman ng frontal system.

“Yun pong frontal system ay inaasahan nating kikilos pa-hilaga at maaari pong mamayang gabi o bukas ay ‘di na to makakaapekto sa ating bansa,” sey ng weather specialist na si Aldczar Aurelio sa kanyang morning forecast.

Baka Bet Mo: Panahon ng ‘tag-init’…opisyal nang idineklara ng PAGASA

“Ang nalalabing bahagi ng ating bansa ay magiging maganda, maaliwalas ang panahon,” dagdag niya, pero asahan din daw ang maalinsangang panahon, lalo na sa pagitan ng alas-diyes ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon.

Samantala, ang nakikitang kumpulan ng ulap o cloud clusters sa silangang bahagi ng Mindanao ay hindi makakaapekto sa panahon ng bansa.

Para sa araw na ito, May 10, narito ang inilabas na predicted temperatures ng PAGASA sa ilang key cities and areas ng bansa:

Metro Manila: 25 to 35 °C

Baguio City: 17 to 25 °C

Laoag City: 26 to 35 °C

Tuguegarao: 25 to 35 °C

Legazpi City: 26 to 33 °C

Puerto Princesa City: 27 to 35 °C

Tagaytay: 23 to 32 °C

Kalayaan Islands: 27 to 35 °C

Iloilo City: 28 to 33 °C

Cebu: 27 to 32 °C

Tacloban City: 27 to 32 °C

Cagayan de Oro City: 26 to 32 °C

Zamboanga City: 25 to 34 °C

Davao City: 25 to 35 °C

Read more...