NAGHIWALAY pala sina Kim Molina at Jerald Napoles noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic at habang ginagawa nila ang isa nilang pelikula sa Viva Films.
Ito raw yung mga unang linggo ng pagli-live in nila noong 2021 makalipas ang ilang taong relasyon bilang magdyowa
Sa naganap na mediacon ng bagong pelikula ng KimJe na “Seoulmeyt” kahapon, May 9, mula sa Viva Entertainment, naichika ni Kim ang breakup nila ni Jerald.
Nagsimula raw ang lahat ng mag-away sila habang ginagawa ang pelikula nilang “Ikaw at Ako at ang Ending.”
“Ang suwerte ko lang kasi katulad niya (Jerald) yung kasama ko sa buhay at saka ka-loveteam. Hindi talaga mahahalata ng mga katrabaho namin na may nangyayaring pag-aaway or anything.
Baka Bet Mo: Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan
“Like, may ginawa kaming pelikula before na hindi alam ng lahat na nag-break kami. Share ko lang sa inyo, ang tagal na naman nito.
“During pandemic po kasi, adjustment. First time din namin na magka-live in ni Je. So, yung mga problem namin bilang magdyowa, nagkasama-sama, na-pile up. First time namin magka-live in,” pagbabahagi ng aktres.
Patuloy ni Kim, “Lahat naman ng problema namin, hindi namin mapagtuunan ng pansin na pag-usapan kasi kailangan namin kumita.
“Kailangan naming magbayad ng bills. Kailangan naming mag-work. E, yung Ikaw at Ako at ang Ending, nagkataon na mga best friend namin yung mga nandoon.
“Ang direktor namin, si Direk Irene (Villamor). Hindi namin din sinabi kay Irene,” chika pa niya.
“Ang nangyari, ang location namin, sa Pagudpud, Ilocos Norte. Nag-away kami, nag-stay kami sa isang cottage. Nag-away kami, ‘Break na tayo!’ Nag-break kami.
“Tapos, tiningnan ko yung sequence guide (sa script), bed scene (ang kukunan) kinabukasan! Paano ko ito gagawin kasi drama po talaga yung Ikaw at Ako at ang Ending.
“Ito kasi si Je, hindi po kami nakakatulog nang hindi kami nagiging okay. So, naging okay naman po kami after nu’ng bed scene na hindi naman sa mga kamera!” sey ni Kim sabay tawa.
Dugtong pa niya, “So, basically, naayos naman po namin yung aming problema pero walang nakakaalam. Kinabukasan, okay kami, natapos namin yung movie. Ngayon lang namin nasabi, ngayon ko lang talaga naikuwento.”
Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na panandaliang nag-break ang celebrity couple.
Kuwento pa ni Kim, “Nangyari na po siya before kahit Rak of Aegis (musical play), so we had to fall in love all over again onstage without the people knowing that there’s something happening off stage.”
Samantala, tiyak na magpapaulan ang “Seoulmeyt” ng katatawanan at pag-ibig sa isang kuwentong sumasalamin sa pagiging matatag at masayahin ng mga Pilipino.
Kasama rin sa pelikula na kinunan ang halos kabuuan sa South Korea, sina Candy Pangilinan, Alma Moreno, Kid Yambao, at Isay Alvarez.
Showing na ito simula sa May 29 sa mga sinehan nationwide mula sa direksyon ng blockbuster filmmaker na si Darryl Yap.