Maris ‘kanal na kanal’ sa pag-goodbye kay Irene Tiu sa Can’t Buy Me Love

Maris 'kanal na kanal' sa pag-goodbye kay Irene Tiu sa Can't Buy Me Love

PAK na pak ang pagse-say goodbye ni Maris Racal sa kanyang viral character sa “Can’t Buy Me Love” bilang si Irene Tiu.

Sa pagtatapos ng hit Kapamilya series na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, binigyan ng nakakalokang tribute ni Maris si Iris na talaga namang nagmarka at minahal ng viewers.

Sa kanyang Instagram page, nag-post ang girlfriend ng OPM rock icon na si Rico Blanco, ng kanyang appreciation post para kay Irene Tiu.

Nakakaloka ang mga litratong ibinahagi ng dalaga sa socmed na inspired ng mga viral na eksena niya sa “Can’t Buy Me Love”, na karamihan ay mula sa mga eksena nila ng kanyang on screen partner na si Anthony Jennings.

“So we did this silly photoshoot just to say bye to Irene Tiu… just had to do it,” ang inilagay na caption ni Maris sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Pag-amin ni Anthony kay Maris sa CBML pak na pak: Aircon ka, kanal ako!

Bumuhos naman ang comments mula sa mga netizens at halos lahat ay nag-congratulate sa tagumpay ng “Can’t Buy Me Love” at da success ng tambalan nina Maria at Anthony.

Sa isang interview, inamin nina Maris at Racal na mas sikat ngayon bilang SnoRene, na nagulat din sila kanilang “unexpected chemistry” na nakadagdag sa tagumpay ng “CBML”.

“Kami sobrang natutuwa sa mga reaction ng netizens, ng casual viewers, hindi namin ito in-expect ito talaga. At dahil sa reaction nila mas nagiging excited kaming gawin ang mga eksena together at gandahan pa ang scenes,” sey ni Maris.

Chika naman ni Anthony, “Actually nagugulat nga ako sa mga na-take na namin na scenes, nakakalimutan ko na, bigla na lang mag-trending, lalo na sobrang love ng tao sa ginagawa namin.

“And of course, credit ko din kay Maris, magaling talaga siya. Sobrang grateful na palagi tinatanggap ng mga tao,” aniya pa.

Read more...