Andrea manhid na sa mga bashers: Hindi ako nagpapakain sa social media

Andrea manhid na sa mga bashers: Hindi ako nagpapakain sa social media

Andrea Brillantes at ang cast members ng ‘High Street’

HINDI na affected si Andrea Brillantes sa lahat ng kanegahang ibinabato sa kanya ng mga bashers sa social media.

Sa tindi ng mga pagsubok na pinagdaanan niya sa kanyang showbiz career at personal na buhay ay na-master na niya ang “art of dedma.”

Ayon kay Andrea, sa gitna ng pagiging toxic ngayon ng socmed, mas pinipili pa rin niya ang magpakapositibo kahit na nga ayaw pa rin siyang tantanan ng mga tsismis at intriga sa showbiz.

Baka Bet Mo: Super sikat na socmed female personality tinatanggihan ng mga kumpanya para maging endorser: ‘Hindi maganda ang image niya!’

“Hindi po kasi ako nagpapakain sa social media. I’m really grounded naman sa real world. I know it’s easier said than done,” ang pahayag ni Andrea nang makachikahan sandali ng ilang members ng showbiz press sa watch party at presscon ng upcoming series niyang “High Street.”


Patuloy pa ng dalaga, “I think kapag natutunan mo lang ma-appreciate ‘yung life itself, na life is more than just social media, phone, comments, and people na hindi mo naman kilala na nagko-comment sa life mo, kailangan hindi ka into it masyado.

“Alam kong masakit siya and it’s easier said than done pero kailangan mo lang talagang hindi magpaapekto and ma-appreciate mo ‘yung life,” dugtong pa niya.

Pero paano nga ba niya hina-handle ang mga pamba-bash sa kanya sa socmed, “There’s so many ways. Tingnan mo lang kung gaano kaganda ‘yung mundong binigay sa atin, mundong ginawang to.

“Social media kasi you can easily turn off the phone and read a book, meet your friend, reconnecting with nature, doing (chores) sa house, meeting your friends hindi lang through phone,” sabi pa niya.

Samantala, nagbabalik mga ang mga bida ng hit Kapamilya series na “Senior High” para sa season two nito, ang “High Street”.

Mapapanood na ang “High Street” tampok ang mas kapana-panabik na kwento kasama ang iba pang mga bagong karakter simula May 13 (Lunes) ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Baka Bet Mo: Super sikat na socmed female personality tinatanggihan ng mga kumpanya para maging endorser: ‘Hindi maganda ang image niya!’

Masusubaybayan din ang mga episode nito sa iWantTFC 48 oras bago ito ipalabas sa telebisyon.

Pagkatapos ng magulong high school life, iikot na ang kwento limang taon makalipas ang Northford High graduation kung saan sasabak na sina Sky (Andrea Brillantes) at ang kanyang mga kaibigan sa real world bilang mga adult.


Sa isang interview, inamin ni Andrea na nape-pressure siyang gawin ang season two ng serye lalo na’t naging matagumpay at minahal ng mga manonood ang “Senior High.”

“Excited ako pero may mixed emotions. Kasi ‘pag may part two, laging may pressure to make it better or for it to be as good as the first one,” sabi niya.

Kaabang-abang din ang “High Street” dahil bukod sa mga nagbabalik na karakter, kabilang na rin sa serye sina Dimples Romana, Romnick Sarmenta, Harvey Bautista, AC Bonifacio, at Ralph De Leon.

Magsisimula ang kwento sa reunion ng Northford High students kung saan may kanya-kanya na silang mga buhay at abala na ngayon sa kanilang mga trabaho.

Sa kabila ng kanilang tila mapayapang pamumuhay, mayayanig muli ang kanilang mundo nang makidnap si Z (Daniela Stranner) ng isang ‘di kilalang grupo. Dahil dito, maglalabasan ang mga masalimuot na sikreto ng mga tao at magiging tanging misyon nina Sky at ng kanyang mga kaibigan, kabilang na rin ang nanay ni Sky na si Tanya (Angel Aquino), ang malutas ang pagdukot kay Z.

Sino ang nasa likod ng pagdukot kay Z? Ano-ano pa ang mga rebelasyon ang gugulantang kina Sky?

Ang “High Street” ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Lino Cayetano. Kabilang din sa serye sina Juan Karlos, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Mon Confiado, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, at Rans Rifol.

Read more...