Diwata sobrang lucky: may bahay at P1-M na may bagong kotse pa

Diwata binabagyo ng blessing, may bahay at P1-M na may bagong kotse pa!

Ervin Santiago |May 08,2024
facebook
share this

Diwata binabagyo ng blessing, may bahay at P1-M na may bagong kotse pa!

Ervin Santiago - May 08, 2024 - 08:10 AM

Diwata binabagyo ng blessing, may bahay at P1-M na may bagong kotse pa!

Diwata

BINABAGYO ng suwerte at blessings ngayon ang social media personality at ang may-ari ng viral paresan na si Diwata.

Patuloy ang pagdating ng mga bonggang regalo kay Diwata matapos sumikat ang kanyang paresan na hanggang ngayon ay dinarayo ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang lugar.

Bukod sa napakalaking break na ibinigay sa kanya ng Teleserye King ng ABS-CBN na si Coco Martin sa pinagbibidahan nitong “FPJ’s Batang Quiapo”, sunud-sunod din ang pagdating ng mga pasabog na regalo sa kanya mula sa iba’t ibang personalidad.

Tulad na nga lang ng pasorpresa sa kanya ng isang car company na nagpadala ng bagong sasakyan sa kanya.

Baka Bet Mo: Sagot ni Diwata sa vlog ni Ogie: Kung hindi gusto, huwag nang bumalik!

“Para sa mga patuloy na bumabangon. Enjoy and drive safely,” ang mensahe kay Diwata ng nasabing car company.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ibinandera naman ni Diwata sa kanyang Facebook account ang bagong kotse na natanggap niya kalakip ang pasasalamat sa bagong blessing na natanggap.

“Another Brand New car na naman from GWM Philippines grabi talaga ang blessings na to sobrang Thank you po ng sobra (crying emoji).

“Dahil jan mag share ako ng Blessings 5k jikass sa bawat isa na mapili ko na lucky share,” ang mensahe pa ni Diwata.

Baka Bet Mo: Diwata sa pagbida sa Batang Quiapo: ‘Malaking tulong sa negosyo’

Kamakailan ay binigyan din siya ng house and lot at 1 milyong piso ng social media personality at negosyanteng si Rosmar Tan.

Kuwento ni Rosmar sa kanyang mga Facebook post, niregaluhan niya ng bagong bahay si Diwata bukod pa sa P5 million worth of endorsement, products, at cash mula sa iba’t ibang brand na nakipag-collab sa kanya.

Personal pa siyang nagpunta sa paresan ni Diwata para iabot ang kanyang mga regalo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Binigyan din niya ang tinaguriang “Pares Queen” ng imported Saint Bernard puppy na nagkakahalaga ng P300,000 with matching lifetime supply ng dog food.

“Hindi po ako nag-iwan sa location ni Diwata ng kahit anong may tatak Rosmar kasi ‘di para gamitin ko siya sa brand ko.

“Busilak ang aking puso sa pagtulong at ‘di para gamitin siya. Bagkus, ibang mga brand ang binida ko na mga tumulong sa akin para mabigyan ng 1 year endorsements si Diwata para may monthly pumapasok sa kanyang pera.

“Dahil ‘di naman habang buhay malakas siya at ang paresan niya,” ang nakasaad pa sa FB post ni Rosmar.

Mensahe pa niya, “Salamat sa mga tumulong sa ’kin para makapagpaabot ng tulong din kay Diwata.

“Hindi rin para i-monetize ko ang mga videos ko with Diwata masaya na ako na natulungan ko siya. Tamang post lang dito sa Facebook ng souvenir hihihi.

“Buong puso na pasasalamat sa lahat ng walang sawang sumusuporta at nagmamahal,” aniya pa.

Napaiyak naman sa sobrang kaligayahan si Diwata nang matanggap ang mga regalo ni Rosmar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay kaya answered prayer at dream come true para sa kanya ang pasorpresa sa kanya ni Rosmar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending