Maricel Soriano never binugbog ang 2 kasambahay

Maricel Soriano never binugbog ang 2 kasambahay

Therese Arceo |May 07,2024
facebook
share this

Maricel Soriano never binugbog ang 2 kasambahay

Therese Arceo - May 07, 2024 - 07:58 PM

Maricel Soriano never binugbog ang 2 kasambahay

Maricel Soriano

DINENAY ng batikang aktres na si Maricel Soriano ang alegasyong nambugbog siya ng dalawang kasambahay noong June 2011.

Muli kasing naungkat ang kontrobersiyang kinasangkutan ng beteranang aktres noong 2011 sa ginanap na Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ngayong Martes ng umaga, Mayo 7, 2024.

Matatandaang sinampahan noon ng reklamo si Maricel ng kanyang mga dating kasambahay na sina May Cachuela at Camille Acojedo dahil pananakit at pagkukulong diumano nito sa kanila.

Sa naturang public hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa PDEA leaks ay naitanong ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang naturang isyu.

Baka Bet Mo: Maricel Soriano dumalo sa Senate hearing, walang alam sa leaked PDEA report

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi po totoo ‘yan. Hindi po,” mariing sagot ni Maricel.

“Pero totoong mayroon kayong dalawang katulong sa bahay na umalis?” muling tanong ng senador.

“Opo kasi ninakawan po nila ako,” muling sagot ni Maricel.

Dito ay muli siyang inusisa kung totoong binugbog niya ang mga kasambahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Paano ko naman po bubugbugin dalawa po sila?” sey ni Maricel.

Matatandaang napag-usapan sa naturang public hearing ang pagkakasangkot ng aktres at ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa paggamit ng iligal na droga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending