Maricel Soriano dumalo sa Senate hearing, walang alam sa leaked PDEA report

Maricel Soriano dumalo sa Senate hearing, walang alam sa leaked PDEA report

DUMALO ang aktres na si Maricel Soriano sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa pag-leak ng mga dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na diumano’y involvement nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iligal na droga.

Sa ikalawang public hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa PDEA leaks ngayong Martes, Mayo 7, ay nausisa ang aktres ng Committe chair na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang tungkol sa naturang dokumento.

“Sa mga nag-viral na dokumento na nagdadamay sa pangalan mo, sa tingin mo ba may katotohanan ang mga nasabing dokumento?” tanong ni Dela Rosa kay Maricelz

Ayon sa aktres, wala raw siyang alam tungkol sa mga kumakalat na dokumento ng PDEA noong 2012 kung saan sinasabing kasama raw niya si Pangulong Marcos na gumagamit ng illegal drugs sa kanyang condo unit sa Rockwell sa Poblacion, Makati City.

Baka Bet Mo: Maricel Soriano ‘di na siningil ang mga artistang nangutang sa kanya, bakit kaya?

“Unang-una po hindi ko ho alam ang tungkol sa dokumento, nalaman ko na lang ‘yan no’ng pinakita sa akin dahil hindi po ako nagbabasa ng mga ganyan. Wala po akong alam,” lahad ni Maricel.

Ngunit sa kabila nito ay inamin niyang pagmamay-ari niya talaga ang naturang condo unit.

“Opo. hanggang 2012 po. Nabenta ko na ho ‘yon. Wala na ako do’n,” sagot ni Maricel subalit hindi niya matandaan kung anong buwan niya ito nabenta.

Dito ay hiningi na ni Sen. dela Rosa ang kopya ng deed of sale ng naturang condo unit.

Matatandaang sa nakaraang hearing na ginanap noong April 30x sinabi ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo na peke ang mga dokumento.

Ngunit ayon sa dating PDEA investigation agenit na si Jonathan Morales, legit ang mga nag-leak na dokumento lunf saan dawit sina Maricel at ang kasalukuyang pangulo.

Subalit nang matanong naman si Pangulong Bongbong ukol sa isyu ay tumawa lamang ito.

Read more...