David tagumpay ang operasyon: Salamat po sa lahat ng nagdasal!

David tagumpay ang operasyon: Salamat po sa lahat ng nagdasal!

David Licauco

NAGPASALAMAT ang Kapuso hunk na si David Licauco matapos sumailalim sa surgery para sa kanyang sleep apnea.

Naging matagumpay ang isinagawang operasyon kay David kahapon kaya naman todo ang pasalamat niya sa lahat ng nagdasal para sa kanya.

Ang sleep apnea ay isang sleeping disorder kung saan habang natutulog ang isang tao ay paulit-ulit siyang tumitigil sa paghinga.

Baka Bet Mo: David sasailalim sa medical procedure para magamot ang ‘sleep apnea’

Maaari ring may ganitong kundisyon ang isang tao kung malakas siyang maghilik at nakakaramdam ng pagod sa kabila ng buong gabing pagtulog.

Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), mismong ang senior artist handler ng Sparkle GMA Artist Center na si Isabel Bulatao ang nagbalita na isasagawa ang surgery ni David kahapon.


“David Licauco is undergoing his RFA Sleep Apnea procedure today. Your prayers for his safety and the success of the operation are greatly appreciated (praying hands emoji),” aniya sa kanyang post.

“David Licauco is undergoing his RFA Sleep Apnea procedure today. Your prayers for his safety and the success of the operation are greatly appreciated,” aniya pa.

After four hours, sumagot ang Kapuso actor sa post ng kanyang handler, at nagbigay ng update sa kanyang surgery.

“Tapos na! Salamat sa lahat ng nag dasal po i appreciate you all!” ang mensahe ng binata.

Baka Bet Mo: Angeline sa mga gustong magparetoke: Go! Hindi mo naman ninakaw ‘yung perang ibabayad mo!

Noon pa sanang April 30 nakatakda ang operasyon ni David para sa kanyang sleep apnea ngunit ngayon lamang ito natuloy.

Sabi ni David sa isang panayam tungkol sa kanyang kundisyon, 16 years old pa lang siya nang magkaroon siya ng sleep apnea, “Sana gumaling, di ba? Kasi hirap na hirap na ako, e.”


“Yung sa akin, ang gagawin lang, parang radio frequency. Parang susunugin yata yung part ng nose ko sa loob.

“So, para mas may malaking airway, di ba, yung breathing room ko.

“Kasi before, ang alam ko kasi, yung operation, dapat talagang one month yung recovery.

“When I got myself checked up siguro a week before I left for Canada, sinabi na meron palang procedure na ano lang, puwedeng 15 minutes lang yung procedure.

“Tapos yung down time, one day lang. Pero kasi, RF (radio frequency) yun. So, yun ang gagawin ko. Hopefully makatulong. Kung hindi, dead na tayo!” sabi pa ng aktor sa naturang panayam.

Read more...