MAY latest celebrity victim ulit ang fake news!
May kumakalat kasi na chika na naghiwalay na umano sina Andi Eigenmann at ang partner niyang champion surfer na si Philmar Alipayo.
Sa Instagram Stories, nilinaw na mismo ni Andi na nagluluksa pa rin siya sa pagpanaw ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.
Kwento niya, “I literally went on a vacation with my brother and our kids, and come home to find out, through the internet, that I’ve just been separated [laughing emoji].”
“The internet didn’t seem to like that I was grieving the loss of my nanay,” sey niya.
Baka Bet Mo: Gabby may inispluk tungkol kina Jake at Philmar: Kung saan happy si Andi
May sinasabi rin daw na pinepeke umano niya ang kanyang kalungkutan dahil siguro wala siyang masyadong napo-post sa social media recently.
Obvious naman na fake news ang kumakalat na balita patungkol sa couple dahil ang ginamit na term ay “divorced” kahit hindi pa ikinakasal sina Andi at Philmar, at wala pang diborsyo sa ating bansa.
Caption ng celebrity mom, “Due to this, the internet has decided that the reason for my sadness is not that I have recently been an orphan but in fact, a divorcee (even if I had never been married). Helpppp [laughing emoji]”
Noong nakaraang buwan, nagdesisyon ang couple na ipagpaliban ang kanilang dream wedding ngayong taon upang ipagluksa muna ang pagkamatay ng pinakamamahal na ina ni Andi.
“Honestly, we wanted to get married this year. But under the circumstances, we decided to wait a bit. It was suppose to be for mom,” ang pahayag ni Andi sa panayam sa kanya ng members of the showbiz press sa Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines.
Kung maaalala, noong March 2 nang sumakabilang-buhay si Jaclyn sa edad na 60.
Una itong kinumpirma ng kanyang talent management na PPL Entertainment noong March 3.
Kinabukasan naman ay opisyal na ipinaalam sa publiko ni Andi na myocardial infarction o heart attack ang sanhi ng pagpanaw ng batikang aktres.