SB19 may bagong track na ‘Moonlight’, ito kaya ang next dance craze?

SB19 may bagong track na 'Moonlight', ito kaya ang next dance craze?

PHOTO: Courtesy of Sony Music

JUST in time for summer, naglabas ng bagong dance track ang Pinoy pop sensation na SB19!

Ito ang “Moonlight” na isang love song, pero mapapaindak ang mga makikinig nito.

Ang bagong single ay under Liquid State/Sony Music Philippines na prinoduce ng acclaimed international music producers na sina DJ Ian Asher, Terry Zhong at Lenno Linjama.

Ayon sa P-Pop kings, inspiring at kakaiba ang naging experience nila nang makatrabaho ang producers.

“We’ve met Ian Asher during our tour in the US, and we were surprised at how talented and prolific he is at such a young age,” saad ng SB19 sa isang press statement. 

Baka Bet Mo: G22 wish maka-collab sina Yeng, KZ, SB19, Dionela

Dagdag pa, “This kind of music is new to us. The production is very current yet experimental, but it also gives us room to explore and expand our horizons as artists.”

“The collaboration really brought out the best of all worlds, and being part of the process, really opened our creative realm to exciting new possibilities,” anila.

Samantala, ang mixing sa paggawa ng “Moonlight” ay gawa ni Serge Courtois na nakatrabaho ang ilang pinakamalaking bituin sa international music scene.

Kabilang na riyan sina Carly Rae Jepsen, Alessia Cara, Nick Jonas, LANY, Madison Beer, at marami pang iba.

Mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms ang summer anthem, pati ang official music video nito ay uploaded na rin sa YouTube.

Ang nag-conceptualize at nag-direk niyan ay si Justin, ang isa sa mga vocalists ng SB19.

“The song has euphoric undertones lyrics-wise, so I wanted to play around with that concept and inject a little bit of craziness and out-of-this-world treatment,” paliwanag niya sa konsepto ng MV.

Sambit pa niya, “It’s a very simple but minimalist take, but the dance choreography really elevates the visuals to a different level. I can’t really explain the concept without revealing too much. I’m just excited that this MV is in a totally different lane from anything that we’ve done in the past.”

Ang bagong kanta ay ang first release ng grupo mula nang inilabas ang global smash na “Gento” noong May last year.

Kakatapos lang ng kanilang “PAGTATAG!” World Tour sa Japan last month at kasalukuyan naman nilang pinaghahandaan ang two-day concert sa Manila na mangyayari sa May 18 at 19 sa Smart Araneta Coliseum.

Read more...