Elijah present sa ‘birthday salubong’ ni Miles, nagkabalikan na kaya?

Elijah present sa ‘birthday salubong’ ni Miles, nagkabalikan na kaya?

Elijah Canlas, Miles Ocampo,

NAGKABALIKAN na kaya ang dating celebrity couple na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas?

Ito ang tanong ng maraming netizens matapos ibandera ng aktres sa social media ang naging birthday salubong kasama ang kanyang mga kaibigan, pati na rin ang dating boyfriend.

Sa Instagram Stories, mapapanood na sinorpresa siya ng kanyang friends na nakasuot ng party hats at may dalang birthday cake.

Nasa likod naman ni Miles si Elijah na makikitang kinukunan siya ng video.

Bukod diyan, ang aktor rin ang naghawak ng cake habang nag-wish at hinipan ng aktres ang mga kandila.

Baka Bet Mo: Elijah nagsalita na sa chikang nagkabalikan na sila ni Miles: What if…

PHOTO: Instagram Stories/@milesocampo

Maliban pa riyan, ibinandera rin mismo ni Elijah sa kanyang IG Story ang birthday message para kay Miles.

Ibinahagi niya ang picture nilang dalawa na nakasandal sa kanyang balikat ang TV host.

Mensahe ni Elijah, “Thank you for regularly making all of us smile one way or another, birthday girl.” 

Aniya pa, “You are always loved.”

PHOTO: Instagram Story/@elijahcanlas

Kung matatandaan, sina Miles at Elijah ay dalawang taong naging magkarelasyon bago tuluyang maghiwalay na kinumpirma nila sa publiko noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Nagsimula namang kumalat ang chikang nagkabalikan ang dalawa noong Marso matapos silang makitang magkasama sa birthday party ni Maine Mendoza.

Sa kaparehong buwan, inamin ng aktres na sinusubukan nila ni Elijah na ayusin ang kanilang relasyon.

As of this writing, wala pang kumpirmasyon mula sa dating couple kung ano na ang latest sa kanilang dalawa.

Samantala, bongga rin ang naging selebrasyon ni Miles kasama ang Dabarkads family noong May 1 sa noontime show na “Eat Bulaga.”

Tinanghal ng aktres ang “I Wanna Dance with Somebody” by Whitney Houston at nagsayaw pa kasama ang co-hosts na sina Ryzza Mae Dizon at Atasha Muhlach.

Sinorpresa rin siya ng aktor na si Kiko Estrada na may dalang bouquet of flowers.

“Gusto ko lang pong mag-thank you, Dabarkads. Hindi ko po makakalimutan ‘yung unang pasok ko sa ‘Bulaga,’ parang one month pa lang ako noon pero binigyan niyo ako ng birthday prod agad,” emosyonal na sinambit ni MIles.

Patuloy niya, “Hindi ko inexpect ever na magiging parte ako ng pamilyang ito, so thank you po…Forever ko pong sasabihin ng legit Dabarkads ako!”

Read more...