TILA nanggigil ang talent manager na si Wilbert Tolentino sa taas ng babayaran niyang bill sa kuryente.
Paano ba naman kasi, umabot ito ng mahigit P114,000!
Sa Facebook, ibinandera ni Wilbert ang litrato ng bill statement mula sa electric company na Meralcso.
Pabiro niyang caption, “Huwag mo muna ako kausapin. Baka sayo mapunta ang init ng ulo ko. Dumating na electric bill ko!”
Baka Bet Mo: Gigi De Lana nanggigil sa airline company: ‘Lahat ng luggages namin, pati instruments hindi dumating!’
Sa comment section, maraming netizens ang nabigla sa laki ng babayaran ng talent manager.
May ilan din ang naka-relate at sinabing dumoble rin ang singil sa kanila sa kuryente bilang mas madalas silang gumamit ng aircon.
Heto ang ilan sa mga nabasa namin:
“Sa totoo lang, kami dalawa lang sa bahay ang electric bills namin pang mall din…Haaaysss.”
“Grabeh laki niyan, pambili ko na ng lupa ‘yan kahit maliit.”
“Pang negosyo package na ‘yan bill mo juskolord”
“Keri lang yan.. kaysa ma-admit ka sa ospital dahil sa heatstroke sa init ng panahon…Kaya wag na ma-stress kasi mas mahirap ‘yan kapag na-stress ka pa double pa gastos kapag na-ospital ka pa friend…Kaya laban lang.”
Kamakailan lang, may artikulo kaming naisulat tungkol sa pagtitipid sa kuryente ngayong panahon ng tag-init.
Alam naman nating lahat na talagang mashu-shookt tayo sa laki ng babayaran sa electricity dahil gamit na gamit natin sa panahong ito ang mga aircon at electric fan.
Ilan lamang sa helpful tips ay dapat dalasan ang pagligo, buksan ang bintana sa bahay, Dalas-dalasan din ang paglilinis sa aircon at electric fan para mas lumiit ang konsumo sa kuryente, huwag nang gumamit ng ilaw sa bahay kung maliwanag pa, at marami pang iba.
Basahin lang ang 8 bonggang KuryenTipid tips: ‘Get, get out! Shower tayo guys!’ para kahit paano’y makatipid kayo sa kuryente ngayong mainit at maalinsangan ang panahon.