“PLEASE stop giving me gifts.”
‘Yan ang naging pakiusap ng aktor na si Paulo Avelino sa kanyang mga tagasuporta at fans.
Dahil para raw sa kanya, mas naa-appreciate niya kung ito ay “handwritten letters.”
“Hello, I’m grateful for the material gifts given to me, but as much as I appreciate the gifts and effort, please stop giving me gifts,” sey niya sa Instagram Broadcast Channel.
Lahad pa ng aktor, “I’ve said this before: I prefer handwritten letters rather than luxurious stuff.”
Baka Bet Mo: Paulo pangarap makatrabaho sina Vilma, Nora, Sharon at Tessie Tomas
Paglilinaw rin niya, “I hope people understand and don’t get the wrong impression here [happy face with mustache emoji].”
Dagdag pa ni Paulo, “I keep all the letters given to me [Happy face with heart eyes emoji].”
Sunod-sunod ang naging proyekto ni Paulo recently kaya siguro maraming fans ang nagpapadala sa kanya ng mga regalo.
Noong March 18 nang ipalabas ang Philippine adaptation ng hot Korean series na “What’s Wrong with Secretary Kim?” katambal ang TV host-actress na si Kim Chiu.
Ang kwento niyan ay iikot sa isang gwapo at mayamang narcissistic na vice-chairman ng isang malaking kumpanya na ang feeling niya sa sarili ay super perfect.
Magbabago bigla ang takbo ng kanyang buhay nang biglang mag-resign ang kanyang loyal secretary para tuparin ang iba pa niyang pangarap sa buhay.
Makalipas ang mahigit isang buwan, showing naman ang bago niyang movie na “Elevator” kasama naman ang beauty queen actress na si Kylie Verzosa.
Feel good at inspiring ang kwento nito dahil ipinakita rin sa pelikula kung paano magsumikap at magtrabaho nang marangal ang ating mga OFW.
Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa Singapore kung saan gumaganap na elevator boy si Paulo habang si Kylie naman ang dyowa ng mayamang negosyante na mai-involve sa kanya na siyang pagsisimulan ng twists and turns ng istorya.