Ogie Diaz tahimik muna sa isinampang kaso ni Bea Alonzo | Bandera

Ogie Diaz tahimik muna sa isinampang kaso ni Bea Alonzo

Reggee Bonoan |May 02,2024
facebook
share this

Ogie Diaz tahimik muna sa isinampang kaso ni Bea Alonzo

Reggee Bonoan - May 02, 2024 - 07:56 PM

Ogie Diaz tahimik muna sa isinampang kaso ni Bea Alonzo

WALANG binanggit si Ogie Diaz sa post niya sa kanyang IG story kung nagulat siya na idinemanda siya ni Bea Alonzo ng cyber libel kasama ang co-hosts niyang sina Mama Loi, Ate Mrena, Tita Jegs at Dyosa Pockoh sa vlog nilang “Showbiz Update” na napapanood sa YouTube.

Kasama rin sa inireklamo ang beteranang manunulat at content creator na ngayon na si Nanay Cristy Fermin kasama ang co-hosts niyang sina Romel Chika at Wendell Alvarez para naman sa online show nilang “Showbiz Now Na” na naka-upload sa YouTube.

Marami kasing nagulat ng biglang magsampa ng reklamo ang aktres kaninang hapon sa Quezon City Prosecutors Office kasama ang legal counsel niyang si Atty Joey Garcia at manager na si Shirley Kuan.

Kaya naman lahat ng kasamahan sa trabaho nina Ogie at ‘nay Cristy ay tinatawagan sila at hinihingan ng panig pero tikom ang kanilang bibig.

Inuna naming padalhan ng mensahe si ‘nay Cristy pero hindi kami sinagot at inisip naming nab aka mas gusto niya itong sagutin sa programa nil ani Romel Chika na Cristy Ferminute sa Radyo 5 92.3 TRUE FM bukas (Biyernes) ng tanghali para isahan na lang na lang.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo nagsampa ng kaso laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pero si Ogie ay nag-post sa kanyang IG kaninang 5PM at humingi siya ng paumanhin sa mga kaibigang reporters na hinihingan siya ng panig.

Aniya, “Pasensiya na sa lahat ng reporters na tumatawag para maging balanse lang ang kanilang report. Naiintindihan ko kayo kung nginangarag kayo ng news desk o ng editors n’yo.

“Makakarating din naman sa amin ‘yan para sagutin sa takdang panahon.

“Pero eto ha? Ayoko nang magpaka-plastik, tulad ng lagi naming hinihirit sa Ogie Diaz Showbiz Update, sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending. (emojis smiling face with a heart).”

Sa madaling salita ay saka lang sasagot sina Ogie kapag natanggap na nila ang subpoena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending