Flow G aprub sa kanta ni Chito; nakipag-collab sa BINI, SunKissed Lola

Flow G aprub sa kanta ni Chito; nakipag-collab sa BINI, SunKissed Lola

APAT na taon palang tinrabaho ni Parokya Ni Edgar frontman Chito Miranda at ng viral rapper na si Flow G ang kanilang unang bonggang-bonggang collaboration.

Yan ang ibinandera ni Chito sa kanyang Instagram post kamakailan kung saan masaya nga niyang ibinalita na natapos na nila ni Flow G ang bago nilang project together.

“O, paano ba yan…luto na talaga,” ang simulang pagbabahagi ng OPM icon sa IG kalakip ang litrato nila ng sikat na sikat ngayong Pinoy rapper.

“4 years in the making yan. 2020 nagkakilala kami at nagplano gumawa ng kanta. Last year, tinapos namin yung kanta at nirecord pero di namin masyado na-tripan.

“A few weeks ago, binalikan namin yung kanta. Kagabi, tinapos na namin…at nagustuhan hahaha!” ang bahagi pa ng caption ni Chito sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: 2 kasong isinampa laban kay Jomari Yllana ng dating dyowa ibinasura

“Pero parang di na-tripan ni @plojiflowg yung lyrics ko (binabasa nya nakasimangot e),” ang birong chika pa ni Chito.

Ngayon pa lang ay abangers na ang kanilang mga fans sa release ng unang collaboration song ng dalawang OPM artists.

Samantala, excited na rin ang fans ni Flow G sa kanyang pakikipag-collab sa Tindahan ni Aling Puring matapos maglabas ng teaser ng kolaborasyon sa Instagram kung saan nagre-record ang musikero.

Kasama na ang rapper sa linya ng mga artista na pinangungunahan ng alternative pop band na SunKissed Lola at ng Pinay girl group na BINI. Ang pagsasanib ng BINI, SunKissed Lola, at ni Flow G ay para isulong ang iba-ibang genre ng musikang Pinoy.

Si Flow G, o si Archie dela Cruz, ay kilala sa pagsisimula ng bagong era ng Pinoy hip-hop at OPM.

Dahil alam niya ang responsabilidad na kasama ng nagawa niyang ito, nais ni Flow G na mas hikayatin pa ang mga Pilipino na suportahan ang musikang Pinoy.

Naging makulay ang paglalakbay ni Flow G mula noong sumikat siya sa gitna ng 2010.

Pagkatapos magsimula ng kaniyang karera, napakaraming mga balakid na dumating, gaya ng mga detraktor, diss track, at iba pang hamon na kasama sa pagnanais na lumikha ng sariling pangalan.

Naging matatag si Flow G at narating ng mga kanta niyang “RAPSTAR” at “High Score” ang tagumpay.

Sa pamamagitan ng kolaborasyon kasama ang Puregold, sabik na ibabahagi ni Flow G ang kanyang kuwentong panalo ng pagpapatuloy para sa pagmamahal sa ginagawa.

Read more...