HANGGA’T maaari ay ayaw na sanang magkaroon ng ka-loveteam ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino, pero biglang dumating sa buhay niya si Kim Chiu.
Mas gusto raw kasi niya ang mag-experiment at mag-explore bilang aktor at alam niyang hindi niya ito magagawa kung matatali siya sa isang ka-partner o leading lady.
Bukod dito, pangarap din niyang magtrabaho sa likod ng camera dahil naniniwala siya na marami pa siyang pwedeng gawin aside from acting.
“In my case, sinubukan ko talagang iwasan for the longest time because I really wanted to grow as an actor.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo inaming hindi takot malaos: It’s about time to give the chance to others
“I really wanted to study everything behind, sa likod ng camera,” pahayag ni Paulo sa panayam sa kanya ni Luis Manzano para sa YouTube channel nito.
Pero dumating nga raw ang hit drama series nila ni Kim na “Linlang” at ang Pinoy version ng Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim” na parehong sinusubaybayan ng madlang pipol.
Natanong ni Luis si Paulo kung paano ang naging proseso ng transition niya mula sa napakabigat na role bilang Victor Lualhati sa “Linlang” patungo sa role as CEO Brandon ng “WWWSK”.
“It wasn’t easy. It took some time for me to adjust. I haven’t done a rom-com in a while or something funny, so it took a lot of time which I wished I had more (to put) a lot of effort.
Baka Bet Mo: Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective
“I’m thankful to people behind Secretary Kim ‘cause they were very supportive, to our director na sobrang supportive sa pag-guide sa akin doing romcom again and also Kim,” paliwanag ng aktor.
“May mga preparations na minsan hina-hype ko na rin yung sarili ko pagdating ng jokes. Nagbabaon na ako ng jokes, nagjo-joke na rin ako sa set kaya nagugulat sila,” aniya pa.
Tungkol naman sa ginawang adjustment ni Kim, “Ganoon din, eh. Parang same like me parang may mga adjustments sa start then eventually mas nakukuha na namin yung vision ng director at mga showrunners namin. Mas nabibigay na namin ng tama ‘yung mga gusto nila.
“It was a very drastic change because Linlang was really so heavy kasi it tackles adultery and may mga bata na involved. Hindi siya madali,” aniya pa.
Samantala, puring-puri rin ni Pau ang talento ni Kim bilang aktres at game pa rin siya sakaling magtuluy-tuloy ang tandem nila on screen.
“Given a chance…here naman kay Kim, ‘yung professionalism naman ni Kim, it was something else. She works fast on the set. Sa Linlang, hindi talaga namin in-expect kasi it was really night and day especially sa aming mag-asawa,” sey ni Pau.
Nagpasalamat din siya nang bonggang-bongga sa KimPau fans, “I’m very appreciative. To be honest, for them to keep on posting, keep on editing stuff, keep on tweeting, that takes time and effort and I appreciate the time and effort.
“Whatever I can give back, in ways I can, in my performance, in interviews like this, I tried to do my best, maximize it for them,” saad ng aktor.
Natanong din siya ni Luis kung meron pa ba siyang dream roles, “May mga genres ako na hindi ko pa nagagawa na I’ve been wanting to do like a big sci-fi movie. Parang wala pang masyadong gumagawa dito sa Pilipinas.
“So, given a chance na someone’s ganoon katapang para mag-produce ng ganoong genre, sana ma-consider ako to be casted in it,” pagbabahagi ni Paulo.
Marami pa rin daw siyang pangarap na makatrabaho in the future, “I haven’t worked with Ms. Tessie Tomas, Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, marami pa po talaga.
“Lagi kong gusto makatrabaho sila dahil mind opening ‘yung mga matututunan mo from them not just in front of the camera but also behind,” pahayag pa ni Pau.