Joaquin nanghihingi sa magulang kapag kinakapos ng budget para sa anak

Joaquin nanghihingi sa magulang kapag kinakapos ng budget para sa anak

Joaquin Domagoso at Scott

MARAMING realizations sa buhay ang aktor na si Joaquin Domagoso mula nang siya’y maging tatay.

Malayung-malayo raw talaga ang buhay niya noong single pa lang siya ngayong meron na siyang sariling pamilya at kumakayod para sa kanyang anak.

“Na-gets ko na ‘yung nararamdaman ng Papa ko (dating Manila Mayor Isko Moreno) na siya ‘yung nasasaktan kapag kailangan niyang magalit sa amin (mga anak).

“Nasasaktan siya kasi kailangan niyang magalit para maturuan kami. Kasi noon ang iniisip ko my parents just take away all the fun away from my life, they don’t care about me, parang ganu’n,” ang pahayag ni Joaquin sa panayan sa kanya ng “Ogie Diaz Inspires” YouTube channel.

Baka Bet Mo: Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

“As I grow up and now I’m a parent I’m understanding the pain na kailangan kong i-discipline ang anak ko, kailangan kong turuan ng ganito sometimes I can’t let him play with his toys, he has to sleep na agad.


“Sometimes I have to go to work, I have to leave him at home and sometime I don’t wanna do that because I wanna stay there the whole day kasi iniisip ko kasi he’s growing up at least he sees me more of his dad all the time but I have to go to work now, di ba?

“Pag nalaman niyang magbaba-bye na ako, iyak na naman nang malakas, like sa condo di ba sa elevator nag-close na ‘yung elevator at pagbaba naririnig ko pa rin ‘yung sigaw niya,” saad pa ng aktor.

Aniya pa sa kanyang nararamdaman bilang ama, “Ang sakit kasi he just want to be with me, he wants to play with me.  Kailangan kong tiisin (pag-iyak) kasi ginagawa ko (lahat) para sa kanya.”

Baka Bet Mo: Joaquin Domagoso hindi pa pakakasalan si Raffa Castro: Wala pa akong pera! Kailangan pang mag-ipon

At kaya gusto niyang nasa tabi siya ng anak habang lumalaki ito ay dahil naranasan niyang hindi sila laging magkasama ng amang si Yorme.

“My dad is very busy, he’s always busy and now I understand na they can’t always see their kids all the time, they have to work all the time (and) now I understand the pain,” emosyonal na sabi ni Joaquin.


Bakit siya naluha, “Nage-gets ko na ‘yung…just in general ‘yung mga lahat ng nagwo-work ng minimum wage ganu’n, 8 to 12 hours ang work nila tapos ganito lang mauuwi nila (sa pamilya).

“Trabaho nang trabaho tapos hindi pa nila nakikita ang anak nila at pag-uwi nila, tulog na sila (anak), ganu’n. But they’re doing it for them (mga anak), so, they can go to school, they can eat. Na-realize ko ‘yung pain ng real world (sabay pahid ng luha),” emosyonal pang sabi ng aktor.

Sabi pa ni Joaquin, “The working man is the tough man, hindi ‘yung taong nagtsi-cheat like do dirty stuff, the criminals you know? The tough (talaga) are the working class people, yung talagang wake up everyday to do it for their kids, that’s real man, that’s the real woman.”

Hirit ni Ogie, “Mababaw pala ang luha mo? Kung may powers ka ano gusto mo?”

“Opportunity needs to be free for everybody, everybody should have opportunities hindi kasi lahat nabibigyan,” sambit ng aktor.

Kaya nabanggit din ni Joaquin na ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral dahil ito ang pangarap ng kanilang ama, ang magtapos sila habang may oportunidad dahil nagsimulang mag-aral si Yorme Isko ng kolehiyo ay edad 23 na siya.

Kaya naman sobrang mahal ni Joaquin ang kanyang trabaho at bilang isa sa artist ng GMA 7 ay nabibigyan siya ng trabaho kaysa nasa bahay lang siya na walang ginagawa at ayaw niyang iparamdam sa anak na wala siyang ginagawa at naghihirap sila.

Alam naman ng lahat na hindi pa kalakihan ang kinikita ni Joaquin kaya natanong kung solo lang niya ang lahat ng gastos sa anak, sa pagbabayad ng bills at iba pang pangangailangan.

“I used to think that way but when the bills came in (natawa) nanghihingi ako,” tumatawang sagot ng aktor.

Pag kinakapos daw sa pambili ng gatas sa anak ay naglalambing si Joaquin sa ina na isabay sa pamimili kapag nagpupunta ito supermarket.

“Sabi ko sa mom ko when she go to S&R can you sabay (bili) ng milk and diapers na, kasi diapers mahal ‘yun, ang mahal pala ng baby stuff,” tumatawang kuwento ng tatay ni Baby Scott.

Kaya ang payo ni Joaquin ay panindigan kung ano ang ginawa/nagawa at mag-aral nang mabuti para sa future at inaming saka na muna ang lovelife dahil makakapaghintay ito unlike sa opportunities na makapag-aral at makapag-work ay minsan lang ito at hindi na maibabalik kapag dumaan na.

Inaming masuwerte silang magkakapatid dahil may pera ang magulang nila para itaguyod silang lahat at ibigay ang mga gusto nila sa buhay.

Read more...