NILINAW ng content creator na si Dani Barretto ang health condition ngayon ng kanyang 4-year-old daughter na si Millie.
Unang-una, hindi raw autisitic ang anak nila ng kanyang asawang si Xavi Panlilio sa kabila ng pagkakaraoon nito ng speech problem.
“She hasn’t been diagnosed under the (autism) spectrum, ang diagnosis pa lang sa kanya is a speech disorder, if I’m not mistaken,” ang pahayag ni Dani sa isang panayam.
Baka Bet Mo: Dani Barretto hindi pala invited sa party ni Alex Gonzaga, may samaan kaya ng loob?
Aniya, totoong sumailalim si Millie sa ilang therapy sessions at awa raw ng Diyos ay nakakapagsalita na ito kahit paano hindi tulad noong mga nakaraang taon.
“There are more words now, we’re working on more sentences, so day by day, lumalabas na ‘yung voice niya,” sabi ni Dani.
Actually, maswerte nga raw siya dahil hindi mahirap alagaan ang kanyang anak, lalo na pagdating sa pagpapakain sa bata.
“Baby pa lang siya until now, hindi ako nahirapan. Kahit ano ipakain mo, kahit ano painumin mo sa kanya,” sey ni Dani.
Baka Bet Mo: Kim, Dani nilaglag si Bela; totoo nga bang naging dyowa si Zanjoe?
“So I made it a point that Millie gets all the best, all the healthiest (food) kasi ‘yan ang hindi ko nagawa growing up,” aniya pa.
Nauna rito, inamin ni Dani na na-guilty siya nang todi nang magalit at sigawan ang anak na may special needs.
Sa isang episode ng “Dani’s The Bare It All Podcast”, nag-share ng kanyang mga mommy duty and experience ang anak ni Marjorie Barretto.
Kuwento ni Dani, totoong napraning siya nang bonggang-bongga nang mapansin niyang dalawang salita lamang ang nasasabi nito sa bawat pagbuka ng kanyang bibig.
“I had a moment I snapped. I don’t think I’ve ever shared this to anybody, but I snapped.
“Naiiyak ako just remembering the time I snapped. She couldn’t communicate. She was just crying and I was so mad.
“And I just said, like, ‘Just talk! Tell me what you feel!’ like, sinigawan ko na yung anak ko,” pagbabahagi ni Dani.
Dagdag pa niya, “You know, right after, I felt so bad. Like, hindi niya kasalanan yun.
“Pero ako yung na-frustrate para sa kanya. Na parang, putsa, pumitik na ako. Yung parang lahat ginawa ko na, lahat binayaran ko na. Kung saan-saan na kita dinala. Bakit walang nagwu-work?
“And after nu’n, sabi ko, ‘Alam mo, Lord, I leave it up to you na lang.’ May purpose kung bakit to nangyari,” sabi pa ng content creator.
“But that was, like, so hard for me to admit to myself na, ‘What happened? You’re not allowed to snap. You’re not allowed to snap,’” ani Dani.