Diwata OK lang maliit ang kita sa paresan basta may pangsweldo sa tauhan

Diwata OK lang maliit ang kita sa paresan basta may pangsweldo sa tauhan

Ivana Alawi at Diwata

KAHIT kaunti lang ang kitain sa kanyang sikat na sikat na paresan ay okay lang sa vlogger na si Diwata basta ang mahalaga ay masaya at nakakatulong siya.

Mas mahalaga pa rin para sa content creator na artista na rin ngayon (napapanood siya sa FPJ’s Batang Quiapo) ang makapagpaligaya sa kapwa at makapagbigay ng trabaho sa kanyang mga kaanak at kaibigan.

Nagbahagi si Diwata, o Deo Balbuena sa tunay na buhay, ng mga kaganapan sa kanyang personal life, sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga na napapanood na ngayon sa kanyang YouTube channel na “Toni Talks.”

Baka Bet Mo: Diwata arestado sa kasong slight physical injuries, nagpiyansa ng P3K

“Ano’ng pakiramdam na unti-unti nabago mo ‘yung buhay mo? Imagine-in mo yun nakatira ka sa tulay tapos ngayon may kotse ka na, may bahay ka na,” ang tanong ni Toni kay Diwata.


“Masarap ang pakiramdam, masarap, pakiramdam na masarap na hindi ko kayang i-explain.

“Basta ang saya kasi bukod sa marami akong natutulungan kasi marami ding nagtatrabaho sa ‘kin na umaasa din sa ‘kin lalo na ako,” ang tugon ni Diwata.

Sundot na question ni Toni, “Ilan na ang mga trabahador mo ngayon? Mga nasa 20, ganu’n?”

Baka Bet Mo: Diwata sa pagbida sa Batang Quiapo: ‘Malaking tulong sa negosyo’

“Yes, more than pa yata. Ang dami, ‘di ba? Du’n lang naman kami umaasa. Ako naman sabi ko kahit wala na kitain basta ang mindset ko diyan is makapagpasahod ako sa mga tao,” pahayag ng viral paresan owner na talagang dinadayo ngayon ng mga customer mula sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region.

“Ang gusto ko lang, lahat ng expenses ko ma-shoulder ko, kumita nang konti kahit 300, 1,000 lang, o 500, tinatabi ko naman yun para sa akin and my future naman.

“Tapos itinutulong ko din sa family ko, mother ko ganyan,” ang chika pa ni Diwata.

In fairness, marami ang nai-inspire sa tagumpay na tinatamasa ni Diwata ngayon at halos lahat sila ay nagsasabing sana raw ay mas marami pa siyang matulungan.


“Praying for your tuloy tuloy na success at sana mas marami ka pang matulungan na nangangailangan.  Huwag ka sanang tamaan ng yabang always be humble and grounded.”

“Ang saya makita na umaangat na si Diwata kahit hinihila siya ng kapwa Filipino. Patuloy ka kang Diwata at sa lahat ng mga lumalaban ng patas sa buhay! God is good!”

“Diwata is the living proof na kung di mo kayang makakuha ng diploma sa hirap ng buhay, diskartehan mo sa sipag at pangarap. Hindi hadlang ang kahirapan para sa pag unlad. Nakaka hanga. Hindi sya pumayag na stuck lang sya sa kahirapan.”

“Imagine 42 yrs old na si Diwata ngayon and almost 25 years na siya sa Manila na lumalaban nang patas at umangat sa buhay. May awa talaga si Papa God at nirereward ang mga mabubuting tao.”

Yan ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa netizens na nakapanood sa bagong vlog ni Toni.

Read more...