NAGSALITA na ang dating live-in partner ni Dennis Padilla na si Linda Gorton kaugnay sa recent interview ng batikang aktor.
Kung matatandaan, nag-open up si Dennis tungkol sa sustento at co-parenting setup pagdating sa mga anak na sina Gavin at Maddie na nasa Australia.
Ayon sa comedian-actor, nakakausap niya si Linda when it comes to their co-parenting setup.
“Are you still friends with [Linda]?” tanong ng showbiz columnist na si Aster Amoyo sa recent YouTube episode ng kanyang “TicTalk.”
Ang sagot sa kanya ni Dennis, “Through text lang. Sa mga co-parenting nalang, so every time we text kung ano ang kailangan sa school, papadala ka nalang ng child support, mga ganun nalang. Co-parenting nalang talaga kami.”
Baka Bet Mo: Dennis nagbilin sa lahat ng anak na magtulungan, nag-sorry sa mga ex
Ngunit nagkaroon ng paglilinaw diyan ang dating live-in partner ng aktor na ibinandera sa kanyang Instagram page.
Ibinunyag ni Linda na hindi “consistent” sa pagpapadala ng sustento si Dennis sa kanilang anak.
Ayon sa kanya, madalas ay kailangan pa itong kulitin upang magpadala ng child support.
“Through the years there were many lapses in between. And many time I had to, and still have to persistently ask for it kasi kung papabayaan ko matagal at kulang-kulang ang padala,” sey niya.
“Ako lang ang nagpuno sa mga pagkukulang na iyon…In fact the support he gives to the children, when spent here lumiliit na kasi the actual cost of living in Australia is far more expensive compared to the Philippines,” paliwanag ni Linda.
Kwento pa niya, “And not to mention they go to school here for free. No tuition fees are needed because they both attend a public school. So less expense for him really.”
May malaking tulong, aniya, ang financial support, pero ang mahirap daw talaga ay ‘yung pagpapalaki ng tatlong anak na mag-isa, lalo na kung walang yaya at kailangang pagsabayin ang trabaho at pagiging ina.
“It demands a lot of physical, mental and emotional effort. And a lot of my time for the kids is sacrificed because I need to work. But I can’t complain because I love my kids dearly. I would do anything and everything maging maayos, mabuti at masaya lang sila,” lahad niya sa post.
Isa pa sa mga nilinaw ni Linda ay ‘yung wala silang co-parenting setup ni Dennis.
Baka Bet Mo: Zeinab Harake payag sa co-parenting set up kasama si Skusta Clee pero…
“We don’t have a co-parenting set up because since we parted ways in July of 2020, we never had a formal conversation about our separation and how we will raise our kids. Basta nakakausap niya lang ang mga bata,” saad niya.
Bandang huli, nag-open up na rin si Linda tungkol sa paghihiwalay nila ni Dennis na ayon sa kanya ay “beyond” sa hindi pagkakaunawaan nilang dalawa.
“It was never about financial problems. I stayed with him for almost twelve years mayroon man kami o walang pera. I stayed for him and I stayed for the kids because I wanted a complete family for all of us,” chika ng ina nina Gavin at Maddie.
Ani pa niya, “But just like most things in life, you can’t have everything you want. In the end, if there were many new things that he learned in life just like he said, so did I. I learned more about self-worth, patience, understanding, and to only speak the truth.”
Para sa mga hindi aware, tatlo ang naging babae sa buhay ng aktor na sina Monina Gatus, Marjorie Barretto at Linda Gorton.
Sina Julia, Claudia at Leon Barretto ay anak niya kay Marjorie, may dalawang anak naman siya kay Monina na sina Dianne at Luis, habang kay Linda ay sina Gavin at Maddie.