‘Queen of Tears’ winasak ang record ng ‘CLOY’, tinalbugan din ang ‘Sky Castle’

'Queen of Tears' winasak ang record ng 'CLOY', tinalbugan din ang 'Sky Castle'

CONFIRMED! Winasak ng hit South Korean series na “Queen of Tears” ang lahat ng record na naitala ng mga K-drama sa TvN Network.

Ang serye ng mga Korean superstars na sina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won ang itinuturing na ngayong “highest rated cable TV drama” sa Korean network na tvN.

Tinalbugan na ng “Queen of Tears” ang rating ng 2020 hit K-drama na “Crash Landing on You” na pinagbidahan naman nina Hyun Bin at Son Ye-jin.

Ayon sa ulat, ang final two episode ng serye nitong nagdaang Sabado at Linggo ang nag-set ng new record sa kasaysayan ng telebisyon sa Korea.

Baka Bet Mo: Sharon, Kiko na-hook din sa Queen of Tears: Bonding over K-Dramas is fun

Base sa polling firm na Nielsen Korea, ang episode 16 ng “Queen of Tears” na umere sa Netflix kagabi ay nakakuha ng  nationwide rating na 24.85 percent, the highest to date. Pinanood daw ito ng 6.39 million people.

Binura nga nito ang record ng naitalang nationwide rating ng “Crash Landing on You,” na nakakuha ng 21.683 percent para sa 16th at final episode nito noong February 16, 2020.

Bukod dito, sinira rin ng 24.85 percent ng “Queen of Tears” ang 23.779 rating ng “Sky Castle” na umere naman sa JTBC channel.

Hawak na rin ngayon ng “Queen of Tears” ang record bilang third highest rated drama sa cable TV overall sa South Korea.

Read more...