MAY matamis at madamdaming mensahe ang batikang aktres na si Judy Ann Santos para sa kanyang mister na TV host na si Ryan Agoncillo.
Ipinagdiriwang kasi ng dalawa ang kanilang ika-15th wedding anniversary noong April 28.
Sa pamamagitan ng Instagram, proud na ibinandera ni Juday ang kanyang todong pagmamahal sa asawa.
“We made it!! 15 years married almost 20 together [holding back tears emoji],” panimula niya sa post, kalakip ang ilang black and white photos nila ni Ryan na nagtatawanan at magkayakap.
Baka Bet Mo: Judy Ann super thankful sa pagbabalik ng cooking vlog: Nakakataba ng puso!
Wika pa ng aktres, “I wouldn’t have it any other way.. your love, honesty, support in so many ways have given me so much courage and confidence to be more.”
Mensahe pa niya, “You showed me what love truly is.. pwede palang magmahal ng ganito katindi, at pwede kang mahalin ng tapat at totoo. Mahal na mahal kita .. habang buhay [red heart, flying kiss emojis]”
Sa comment section, maraming fellow celebrities ang bumati sa mag-asawa at kabilang na riyan sina Maine Mendoza, Liz Uy, Angelica Panganiban, Bianca Gonzalez, Vina Morales, at marami pang iba.
Bukod sa kanila, may mga netizens naman ang nagpahayag ng kanilang paghanga dahil sa pagiging strong nina Judy Ann at Ryan sa kanilang relasyon.
Heto ang ilan sa mga nabasa namin:
“Happy Anniversary to you both! I’m so very happy for you Ms. Juday, you deserve every bit of happiness you have now because you are a good person. May you have plenty more blessings in your marriage for the rest of your lives!”
“Napakapalad niyo po at nakatagpo po kayo ng tunay at wagas na pag-ibig..congrats po [red heart emojis]”
“Both of you are so blessed to have each other. Keep the fire burning, lovebirds [red heart emojis]”
Taong 2009 nang ikinasal sina Juday at Ryan.
Mayroon silang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna.