Marian humamig agad ng milyones sa ‘Marimar’ video, pero bakit nawala?
By: Ervin Santiago
- 8 months ago
Marian Rivera
MILYUN-MILYONG views at comments agad ang nakuha ng viral na ngayong “Asoka Makeup Challenge” ni Marian Rivera sa TikTok.
Dito mapapanood ang transformation ng Kapuso Primetime Queen bilang Marimar, ang karakter na ginampanan niya noon na unang pinasikat ng Mexican actress na si Thalia.
Sa naturang post, makikita nga si Marian na nagme-makeup habang gumigiling sa theme ng iconic Kapuso series.
Aniya sa caption na inilagay ng asawa ni Dingdong Dantes sa kanyang TikTok video, “Bring you back to 2007 – Asoka style.”
Ang “Asoka” ay isang current trend ngayon sa social media mula sa traditional Indian bridal makeup “popularized in the 2001 Bollywood film Asoka” na pinagbidahan nina Kareena Kapoor Khan at Shah Rukh Khan.
Ngunit ang sad news, hindi na makikita sa TikTok account ni Marian ang naturang video as of today, April 28, dahil umano’y copyright issue na ginamit bilang background music.
Bago ang pag-take down sa video ni Marian, nauna na siyang nag-post ng isang silhouette video ng isang girlalu na nagsasayaw sa instrumental theme ng “Marimar.”