Julia, Joshua kumasa sa TikTok photo trend, fans kilig much

Julia, Joshua kumasa sa TikTok photo trend, fans kilig much

PHOTO: Screengrab from TikTok/@absstarcinema

NASASABIK lalo ang  fans sa upcoming movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia!

Paano ba naman kasi, nagbigay sila ng kilig recently matapos kumasa sa isang TikTok trend.

Sa isang post, makikitang game na game na nag-pose ang dating on-and-off screen partners hanggang sa makabuo ng apat na picture.

Ang background music pa ng kanilang video ay ang “Cruel Summer” ni Taylor Swift.

Caption ng post, “The JoshLia spark is still there!”

Baka Bet Mo: Gerald sa muling pagkikita, pagbebeso nina Julia at Bea: ‘Time heals’

@absstarcinema The #JoshLia spark is still there!✨ #JuliaBarretto #JoshuaGarcia #TikToktainmentPH ♬ Cruel Summer – Scar

May isa pang video ang dalawa na ginawa ang pareho challenge at ang wika naman sa post ay, “#JoshLia’s chemistry is insane! [face with peeping eye emoji]”

@absstarcinema #JoshLia‘s chemistry is insane! 🫣 #JuliaBarretto #JoshuaGarcia #TikToktainmentPH ♬ Cruel Summer – Scar

As of this writing, ang unang video ay umaani na ng halos 3 million views, habang ang pangalawa ay mayroon nang mahigit 1.9 million views.

Dinumog naman ng JoshLia fans ang comment section ng mga nasabing posts.

Marami ang tuwang-tuwa dahil sa kabila ng pagkakahiwalay nina Julia at Joshua ay nanatili ang kanilang nakakakilig na chemistry.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Ba’t ganyan kayo lovies? [crying, green heart emojis] MY JOSHLIA HEART!!!!”

“Grabe ‘yung chemistry!! [crying, red heart emojis] walang tatalo sa spark nitong dalawa”

“Grabe kilig koooo!! My JoshLia heart [happy face with hearts emoji]”

“Huy may spark pa din haha crying, sparkle emojis]”

“Ito hinihintay ko my God [smiling face with hearts emojis] Fave couple until now!”

Sina Julia at Joshua ay magtatambal sa upcoming movie na ang pamagat ay “Un/Happy For You” mula sa direksyon ni Peterson Vargas.

Ito ang first movie ng dalawa together makalipas ang apat na taon.

Ayon kay Julia, ang pelikula nila ng Kapamilya heartthrob ay dumating lamang sa tamang panahon.

“It felt like it’s the right time, right material, and we’re both in a good place in our lives,” sey ng aktres.

Kung matatandaan, noong 2019 nang maghiwalay ang dalawa makalipas ang dalawang taong magkarelasyon.

Sa kasalukuyan, masaya na si Julia sa kanyang boyfriend na si Gerald Anderson, habang si Joshua ay usap-usapang “currently dating” with Filipino-French athlete na si Emilienne Vigier.

Read more...