Joshua, Julia nagyakapan sa party ni Mr. M; Charo kilig na kilig

Joshua, Julia nagyakapan sa party ni Mr. M; Charo Santos kilig na kilig

Ervin Santiago |March 18,2024
facebook
share this

Joshua, Julia nagyakapan sa party ni Mr. M; Charo Santos kilig na kilig

Ervin Santiago - March 18, 2024 - 03:49 PM

Joshua, Julia nagkita, nagyakapan sa party ni Mr. M; Charo Santos kinilig

Julia Barretto, Joshua Garcia at Charo Santos

MARAMING na-happy at na-excite sa muling pagkikita ng dating magdyowa na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Nangyari ang “reunion” ng dalawang Kapamilya stars nitong nagdaang Sabado, March 16, sa pasorpresang tribute party para sa kanilang tatay-tatayan na si Johnny Manahan o Mr. M.

Natuwa ang mga loyal at diehard fans ng JoshLia loveteam nang makita ang mga litrato at video ng dating magkarelasyon  na kuha sa nasabing event na dinaluhan din ng iba pang Star Magic artists at mga artistang malapit kay Mr. M.

Napanood namin ang isang video na kumalat sa social media kung saan makikita nga si Julia na kausap ang dating presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Dolly de Leon nag-dinner kasama ang team ng ‘A Very Good Girl’, netizens na-excite

Habang nagchichikahan ang dalawa ay napadaan naman sa gilid ang ex-boyfriend ni Julia na si Joshua. Tumigil  naman ang binata at nag-greet sa dalaga.

“Hi,” ang bati ni Joshua sabay yakap kay Julia.


Kasunod nito, maririnig sa naturang video ang sinabi ni Charo patungkol sa dalawa, “My favorite love team. Kinikilig ako sa kanila.” Nagpa-picture rin ang veteran actress sa dating magdyowa.

Baka Bet Mo: Alden Richards, Julia Montes matindi ang ‘laplapan’ scene sa ‘Five Break-ups and a Romance’, Direk Antoinette Jadaone nagulantang

Nauna rito, spotted din si Julia sa pa-surprise tribute party kay Mr. M na kachikahan ang kanyang tiyahin na si Claudine Barretto.

Isang patunay na talagang magkasundo na ang dalawang aktres matapos masangkot noon sa malaking kontrobersya na naging dahilan para magkalamat ang kanilang pagiging magtita.

Nag-viral din ang short video mula pa rin sa nasabing event, ng pagbebeso, pagyayakap at pagtatawanan nina Julia at Bea Alonzo, na nakaisyu rin noon dahil kay Gerald Anderson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Bea ang ex-girlfriend ni Gerald na super happy na ngayon sa current dyowa niyang si Julia, habang si Joshua naman ay maligaya na rin sa Filipino-French golfer na si Emilienne Vigier.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending