MUKHANG totoo namang maligayang-maligaya ngayon ang real life Darna na si Angel Locsin makalipas ang ilang taon mula nang mamahinga siya sa showbiz.
Napanood namin ang isang short video clip sa social media na pinaniniwalaang kuha sa birthday celebration niya kasama ang asawang si Neil Arce at ilan sa malalapit nilang kaibigan.
Mapapanood sa naturang video ang pagbibigay ni Neil at ng mga friends nila ng cake kay Angel habang kinakantahan siya ng “Happy Birthday”.
Baka Bet Mo: Angel umaming walang dream wedding: Si Neil talaga ‘yung groomzilla, hindi ako!
Halatang nagulat ang aktres sa pa-surprise sa kanya ng asawa at ilang kaibigan. Sinayawan pa nga siya ni Neil na parang macho dancer kaya tawang-tawa si Angel.
Sa isang bahagi ng video, nilapitan pa ni Neil si Angel para halikan ito habang maririnig ang hiyawan at palakpakan ng kanilang mga kasamahan.
Sa huling bahagi ng video ay mapapanood din si Angel na nagsu-swimming sa dagat kasama si Neil. Maririnig ang aktres na nagsabing matagal na rin siyang hindi nakakalangoy sa karagatan.
May kuha rin si Angel na nakayakap sa asawa niyang si Neil habang nakasakay sila sa isang bangka. Kumaway pa nga ang aktres sa nagbi-video at kumukuha ng litrato sa kanila.
In fairness, ang ganda-ganda pa rin ni Angel kahit pa nga medyo nadagdagan siya ng timbang.
Pero ang mas napansin ng mga netizens na nakapanood ng naturang video ay kitang-kita sa awra ni Angel ang kaligayahan at pagiging kuntento sa kanyang married life at stress-free na buhay.
Totoong-totoo ang sinasabi ng aktres na si Dimples Romana about her friend na super happy and contented ngayon si Angel sa kanyang buhay at mukhang wala pa nga siyang balak na bumalik sa showbiz.
Sa isang panayam, siniguro ni Dimples na very much together pa rin sina Angel at Neil at super happy pa rin sa kanilang married life. Alagang-alaga pa rin daw ng film producer ang kanyang kaibigan.
“I get to see her naman, she’s very, very happy and happily married, and Neil is taking very good care of her,” ang pahayag ni Dimples.
Nakiusap din ang Kapamilya actress at celebrity mom sa madlang pipol na huwag gawing basehan ang social media sa estado ng relasyon ng mga tagal entertainment industry.
“The thing is, people are so involved with social media that we think if we don’t see married people posting online together, parang hiwalay na sila!
“No po! Hindi ibig sabihin wala sa social media, doesn’t mean it’s not happening,” paalala pa ni Dimples.