David Licauco sa viral video ng fans: ‘Sorry po, bawi ako’

David sa viral video na mukhang ‘naiinis’ sa fans: ‘Sorry po, bawi ako’

Pauline del Rosario |April 27,2024
facebook
share this

David sa viral video na mukhang ‘naiinis’ sa fans: ‘Sorry po, bawi ako’

Pauline del Rosario - April 27, 2024 - 10:18 AM

David sa viral video na mukhang 'naiinis' sa fans: ‘Sorry po, bawi ako’

PHOTO: Instagram/@davidlicauco

HUMINGI na ng paumanhin ang Kapuso actor at Pambansang Ginoo na si David Licauco matapos mag-viral ang isang video na nagpapa-picture ang kanyang fans.

Mapapanood kasi na mukhang naiinis ang aktor habang nagpo-pose sa camera.

Sa X (dating Twitter), sinagot ni David ang komento ng isang netizen na tinawag siyang “unwelcoming” sa kanyang mga tagahanga.

Paliwanag ng aktor, masama ang pakiramdam niya that time at kasabay niyan ay nag-sorry siya.

“May sakit ako niyan beh tapos 1am na yan hehe, sorry po bawi ako next time ha,” komento niya sa viral video.

Baka Bet Mo: David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Iba-iba ang naging reaksyon ng netizens matapos mag-reply ang Pambansang Ginoo sa post.

May ilan na naunawaan ang sitwasyon ni David, habang ang iba ay nangatwiran pa na maaari niyang i-handle ang sitwasyon nang mas maayos.

“Sorry David pero sa totoo lang you could turn them down in a much nicer way, you could always say pasensya na bawi ako next time masama pakiramdam ko,” sey ng isang X user.

Dagdag niya, “Pero kitang kita kasi na your annoyed and irritated ka.”

Wika naman ng isang fan, “Ang mahalaga, nag-explain naman at nag-sorry si David, which means he owned and take responsibility for what happened.”

“Pero tandaan din natin as fans, na ilagay naman kasi ‘yung pagpa-picture. Lets still be responsible fans,” paalala pa niya.

Samantala, sasailalim sa gamutan ang ka-loveteam ni Barbie Forteza ngayong buwan para mawala na ang kanyang sleep disorder na tinatawag na “sleep apnea.”

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang sleep apnea ay isang serious sleep disorder na paulit-ulit na tumitigil at muling nagsisimula ang paghinga ng isang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang taong may kondisyon na ganito ay  malakas humilik at nakakaramdam ng sobrang pagkapagod kahit kakagising lamang.

Ayon kay David, sana raw ay tuluyan nang mawala ang iniinda niyang karamdaman once na gawin sa kanya ng mga doktor ang naturang procedure.

“I just can’t wait for that day na mas maging okay ako dahil it’s affecting my daily life, my mental health, so I want to do it,” ang pahayag ni David sa panayam ng “24 Oras.”

Aniya pa, “I just want that to be over para mas, again, to live my best life.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending