Isyu ni Vice Ganda noon kay Jessica Soho muling binubuhay

Isyu ni Vice Ganda noon kay Jessica Soho muling binubuhay

SUNUD-SUNOD na naglalabasan sa iba’t ibang social media pages ang mga posts ukol sa nagdaang isyu sa pagitan nina Vice Ganda at Jessica Soho.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Kapamilya comedian at award-winning journalist dahil sa naging biro ng nauna sa isa sa kanyang concert noong 2013.

Paano kasi ay naging tampok si Jessica ng joke ni Vice patungkol sa “rape”.

“Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi. Sasabihin ng rapist, ‘Ipasa ang lechon.’ Sasabihin naman ni Jessica, ‘Eh nasaan yung apple?’” saad noon ng “It’s Showtime” host.

Baka Bet Mo: Angeline ikinasal na kay Nonrev; Vice Man of Honor, Flower Girl si Sarah

Agad naman itong pinalagan ni Jessica at sinabing hindi magandang gawing katatawanan ang hindi magandang pinagdaanan ng iba.

Nag-reach out naman noon si Vice sa batikang mamamahayag para humingi ng tawad.

At sa latest episode ng showbiz vlog ni Ogie Diaz na “Showbiz Update” na in-upload nintong Miyerkules, April 26, ibinahagi niya ang napapnson niyang muling pag-ungkat ng isyu na matagal nang natapos

“Sa palagay ko lang, ‘no. Mula noong makatuntong si Vice Ganda at ang ‘It’s Showtime’ sa bakuran ng GMA […] e do’n na ‘yan naglabasan,” pagbabahagi ni Ogie.

Ayon naman kay Mama Loi, marahil ay marami sa mga netizens ang nag-aabang kung magkakaharap nga ba ang dalawa gayong nasa GMA Network na ang “It’s Showtime”.

“At kung ipe-feature ni Jessica Soho sa kaniyang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ si Vice Ganda,” dugtong pa ni Ogie.

Buhat nang magkaroon ng partnership sa pagitan ng Kapamilya at Kapuso network ay marami na ang nag-aabang kung ipi-feature nga ba ng award-winning journalist ang komedyante sa kanyang show.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa namang pahayag si Jessica kung handa na itong makaharap si Vice.

Read more...