Oliver crush na crush si Kim, wish makatrabaho sina Piolo at Kathryn

Oliver crush na crush si Kim, wish makatrabaho sina Piolo at Kathryn

PHOTO: Screengrab from Instagram/@cornerstone

IPINAKILALA na sa media/vloggers ang hottie lawyer ng Cebu na si Oliver Moeller bilang talent ng Cornerstone Entertainment headed by Erickson Raymundo at Jeff Vadillo.

Unang exposure ni Oliver sa “It’s Showtime” at kaya siya sumali pala sa “Expecially For You” segment ay dahil crush niya si Kim Chiu kaya tinutukso na agad siya sa aktres since pareho naman silang taga-Cebu.

Pero si Michelle Dee naman ang guest sa nasabing segment ng noontime show at ang binata ang nagwagi kaya naka-date niya ang beauty queen.

Pagkatapos niyan ay naging usap-usapan ang dalawa sa social media dahil marami ang nakapansin sa pag-unfollow sa Instagram ng Miss Universe Philippines 2023 sa abogado.

Ngunit hindi rin naman nagtagal ay muling nag-follow si Michelle kay Oliver.

Baka Bet Mo: Oliver basag daw kay Michelle: Thank you, next! Hindi dapat ako option!

Hindi pa natatapos diyan ang isyu dahil nag-viral ang hugot umano ng beauty queen tungkol sa pakikipagrelasyon nang maging co-host siya kamakailan lang sa nabanggit na programa at may sinabi pa siyang: “Thank you next, hindi dapat ako option.”

Unang-una si Kim ang dahilan kaya sumali ang hottie lawyer sa “It’s Showtime” kaya sana huwag masamain na hindi si Michelle Dee ang tipo.

Anyway, base sa mga kuhang larawan ni Oliver ay kahawig nga siya ni Piolo Pascual at inamin nito sa mediacon na nu’ng nasa high school palang siya ay Papa P na ang tawag sa kanya kaya hindi na bago sa pandinig niya na sabihan siyang kamukha niya ang highest paid actor ng local showbiz.

Pero base sa panayam sa kanya ay wala pa ang focus niya sa showbiz dahil abala siya sa kanyang adbokasiya, influencer at practicing lawyer.

Isa si Oliver sa founding partners ng MN Law firm sa Cebu at ang forte niya ay corporate at labor law.

Nagtapos si Oliver ng Bachelor of Arts – Major in Political Science degree at Bachelor of Laws degree sa University of San Carlos at taong 2016 nang pumasa siya sa bar exam.

Taong 2017 ay itinuloy ng batang abogado ang kanyang Master’s of Public International Law sa University of Queensland, Australia noong 2019.

At 2020 ay nakapagtrabaho siya sa Littles Lawyers (a compensation law firm in Brisbane) bago bumalik ng Pilipinas.

Bukdo diyan ay into sports din si Oliver at nakita naman ito sa mga larawang pino-post niya sa kanyang Instagram account at ito nga ang adbokasiya niya ang maging aktibo ang lahat para sa healthy life.

May dugong Aleman ang binata dahil German ang amang si Ginoong Heino Moller, retired professor ng Marine Biology at Pinay naman ang inang negosyante na si Ginang Joy Moller.

Sa Germany ipinanganak si Oliver pero sa Lapu-Lapu City siya lumaki at ang mga kapatid niyang babae ay sina Yasmine Möller Morris at Stella Möller Anderson.

At dahil kinukulit pa rin si Oliver tungkol sa showbiz ay natanong siya kung sakaling maisipan niyang pasukin ito ay sino ang gusto niyang makasama sa project sina Piolo at Kathryn Bernardo.

Inamin din naman niya na hindi pa niya nakilala ang dalawa, “I haven’t personally met them yet, but I’ve heard they’re amazing people. So, if I’m fortunate enough to get any sort of project with them or even to meet them, I’d be pretty happy.”

Read more...